^

PSN Opinyon

Ang pagsusumbong ni ‘Ulyanin’ kay General Razon at Mayor Lim

- Bening Batuigas -

MALIGAYANG Pasko sa inyo mga suki! Nawa’y sama-sama tayong ipagdiwang na ligtas sa anumang sakuna at masayang  magkasalo sa hapag kainan na buo ang ating pamilya.

At habang tayo’y sama-samang nagtitipon at nagsa­saya, may-ilang pulis naman ng Manila Police District ang halos di makakain matapos na sila’y sibakin sa puwesto. Kay hap-DE ng dinarama ngayon ni Police Senior Inspector Benito de Leon ang hepe ng Plaza Miranda Police Community Present matapos na sibakin sa puwesto ng dahil lamang sa di-parehas na sumbong.

Nag-ugat ang pagsibak kay De Leon matapos na sitahin ang tatlong grupo ng mga pekeng manghuhula sa paligid ng Plaza Miranda na hawak umano ng isang    dating Barangay Chairman. Para sa inyong kaalaman  mga suki, ang mga pekeng manghuhula na nakapuwesto sa harapan ng Quiapo Church ay may tatlong shift na may kanya-kanyang intelihensya  kay “Ulyanin” bilang lagay upang mapanatili nila ang kanilang puwesto.

Nag-alburutong nagsumbong umano kay Philippine National Police (PNP) chief Derictor General Avelino Razon Jr., si “Ulyanin” matapos na makaharap sina Razon at Manila Mayor Alfredo Lim sa isang meeting ng mga pari at obispo ng simbahan na ginanap sa Arsobispo Palace, Intramuros, Manila, noong December 20.

Marami umanong naging patutsada si “Ulyanin”  kung kaya’t nakuha niya ang atensyon nina Mayor Lim at General Razon  at nagresulta ito ng pagsibak sa puwesto kay  De Leon. He-he-he! Nasagasaan kasi ni De Leon ang tabakuhan ni “Ulyanin”.

Maging si Mayor Lim ay nabulag ni “Ulyanin” ng kanyang siraan ang mga kapulisan na naka-assigned sa kanyang lungga. Kung kaya’t nahikaya’t niyang alisin sa puwesto ang hepe ng PCP na balakid sa kanyang illegal na aktibidades.

Ngunit umiba ang ihip ng hangin na pumasok sa utak ni Lim ng may  impormasyong nakarating sa kanya at halos atikihin sa puso nang malamang hiningan pala  ni “Ulyanin” ng tumataginting na P8,500 goodwill money ang bawat vendors na nagnanais na makakuha ng puwesto para sa itatayong tiyangge sa naturang lugar.

Damay-damay na tuloy ang pangyayari, dahil maging ang lahat ng mga vendors na mayroong permit sa kapaligiran ng Plaza Miranda ay pinalayas na rin ni Lim. Kaya’t ang binalingan ng sama ng loob ng mga vendors ay ang buong tropa ng kapulisan sa MPD. He-he-he!

Malaking halaga rin umano ang kinoleksyon ni “Ulyanin” sa mga sponsors na  sumuporta sa Kapistahan ng Puong Nazareno na labis na ikinagalit ng Committee de Festijo ng Simbahan ng Quiapo.

Nais umano ni “Ulyanin” na pangasiwaan ang kapis­tahan ng Quiapo kung kaya’t nangalap ito ng donasyon sa mga negosyante na nais na sumuporta sa programa at prosisyon ng puong Nazareno. He-he-he! Limpak-limpak na salapi ang kinamal ni “Ulyanin” at nag-uumapaw ang kanyang bulsa. Siguradong  masaya ang kanyang Pasko habang nanggagalaiti naman sa galit ang mga opisyales ng simbahan at kapulisan.

Kaya’t ang pinagbalingan ng galit ni Lim ay ang pag­pasibak kay De Leon at pagpapalayas sa mga vendors at maging ang makasaysayang intablado ay inalis na rin. He-he-he! Galit ang mga deboto ng Puong Nazareno kay Lim at sa kapulisan ng MPD.

Pati  pala Christmas card na ipinamahagi ng Central Market  Police Station sa lahat ng organized vendors ay di-nakaligtas sa puna ni “Ulyanin”. Ayon sa sumbong ni “Ulyanin” kay General Razon ay may kapalit umano na salapi ang bawat kopya ng mga greeting cards na ipinamudmod ng kapulisan sa Plaza Miranda.

Ngunit nabutata si “Ulyanin” nang pagsabihan siya ni Razon na “wala akong masamang nakikita sa ipamimigay ng mga pulis na Christmas card dahil bahagi na nang  aming tungkulin na mabigyan sila ng konting alala bilang pasalamat sa kontribusyon nila sa aming trabaho bilang katuwang sa pagsugpo ng kriminalidad”. He-he-he! Pahiya si “Uliyanin” nang hindi siya pinakinggan ni Mamang Pulis. May balak kasi si “Ulyanin”na sibakin lahat ng mga opisyal ng kapulisan na kumakalaban sa kanyang illegal na negosyo. Get nyo mga suki!  DE-abangan n’yo mga suki!

vuukle comment

ULYANIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with