^

PSN Opinyon

Merry Christmas to all!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TODAY Christmas day ang birthday nina General Jess Verzosa, ang kapatid ko, Kumpareng Rene Sta. Cruz  at si Bettinna “WANNA BET’ Carlos kaya naman natutuwa tayong batiin sila ng Happy Birthday!

Sana dumami pa ang lahi ninyo para marami kayong matulungan sa mga susunod pang mga taon.

Para sa inyo muli ang pagbati ng mga kuwago ng ORA MISMO, Happy Birthday Kuyang Jess, Pareng Rene at Bettinna.

Mabuhay kayo!

* * *

Hindi muna hahagupit ang mga kuwago ng ORA MISMO, porke Christmas Day sa mga gagong kamote sa lipunan.

Sabi nga, pass muna kayo!

Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kasangga nating OFW’s sa Hongkong, Singapore, Middle East, Malaysia, Europa echtera sana maligaya kayo sampu ng inyong mga mahal sa buhay.

* * *

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Belmonte family sa suporta at tulong na ginagawa nila sa atin.

Sina Miguel, Isaac, Kevin at Joy siempre kasama ang kanilang erpat na si Mayor Sonny Belmonte.

Merry Christmas mga bossing!

Nagpapasalamat tayo sa pumunuan ng Pilipino Star Ngayon tulad nina Al Pedroche, Editor and Chief, Weng del Prado, Jo Abelgas, Jojo Briones, Dina Villena, Beth Repiso, Ronnie Halos mga staff sa lahat ng tanggapan ng Pilipino Star!

Merry Christmas!

2008 taasan ang presyo

HUWAG tayong magsaya dahil panandalian lamang ang Pasko ang dapat natin isipin ay ang 2008 porke may panganib na darating todits?

Sabi nga, ang aatikabong taasan ng presyo at ang nakakaasar na politikahan!

Dapat tayong magmanman sa mangyayari sa 2008 dahil ang presyo ng krudo ay mukhang aakyat paitaas dahil ang kontrabida ay walang ginawa sa DOE kundi ang kumanta at magpa-bright-bright lamang.

Tama ba, Secretary Angie Reyes, Your Honor?

Parang hindi maramdaman ng madlang people ang ginagawa mo dyan kung tulong ba sa mamamayan o parusa ba?

Nagtatanong lang po tayo?

Nuon nasa DENR si Angie puro rin kapalpakan ang nangyari sa bayan.

Sabi nga, imbes na umabante ay paurong ang nangyari.

Kamustahin natin ang mga ginawa ni Reyes sa mga pinanggalingan nitong ahensiya ng gobierno.  Mukha sa AFP lang siya napalakpakan ng ilang people dahil sa pagbaligtad niya nuon.

Hay buhay pinoy!

Anyway Merry Christmas sa lahat ng tao sa buong mundo mapa-bata o matanda, babae o lalaki, tomboy o bakla, madre o pari, kulot o unat basta ang masasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, MERRY CHRISTMAS!

vuukle comment

AL PEDROCHE

ANYWAY MERRY CHRISTMAS

BETH REPISO

BETTINNA

MERRY CHRISTMAS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with