Endomatrial cancer at pagkalason
ANG endomatrial cancer ay karaniwang tumatama sa mga kababaihang may edad 55 hanggang 60. Nasa panganib ng sakit na ito ang mga kababaihang sobra ang katabaan, may hypertension, diabetes, masyadong atrasadong pagme-menopause at yung mga gumagamit ng estrogen. Ang abnormal na pagdurugo ng vagina ang karaniwang sintomas ng endomatrial cancer. Ang kirot ay mararamdaman kapag nasa advanced stage na ang cancer.
Ang pag-diagnosed sa cancer na ito ay kinapapaloo-ban ng pag-eksamin sa pelvis, chest x-ray, intravenous pyelography, barium enema, cystoscopy, sigmoidoscopy at CT scan ng pelvis. Ang grading ay isa rin sa mahalagang prognosis.
* * *
Ang pagkalason ay nangyayari kapag ang isang substance ay pumasok sa katawan at nagdulot ng masamang epekto. Maaaring ito ay permanente o temporary. Maaaring pumasok sa katawan ang lason sa pamamagitan ng aksidenteng pagkalunok o kaya’y sa pagka-overdose. Maaaring ang nalunok ay mga substances na kinabibilangan ng alcohol at mga household cleaners.
Isang dahilan din ng pagkalason ay ang pagkalanghap ng gases
Kapag may nalasong kaanak, sikaping malaman agad kung ano ang nakalason, gaano karami at gaano na katagal ang nakalipas mula nang malason. Huwag pipiliting pasukahin ang pasyente sapagkat maaaring mapinsala ang gastrointestinal tract at maaari ring malanghap ang lason. Tumawag agad ng doctor para maisalba sa tiyak na kapahamakan ang pasyente.
- Latest
- Trending