^

PSN Opinyon

‘Killer’ gate sa Sun Valley

- Al G. Pedroche -

BAGO ang main topic natin, uulitin ko ang panawagan sa mga nurses at physical therapists na interesadong maglingkod sa isang US based firm  pero dito sa Pilipinas naka-base. Ang trabaho ay purely computer based para sa isang health care agency sa Amerika.

Ipadala ang inquiries at applications sa [email protected].

At this point, gusto kong bigyang daan ang isang sulat na aking tinanggap mula sa mga residente ng Parañaque  tungkol sa itinayong gate sa panulukan ng Sta. Ana at Benedictine sa Barangay Sun Valley, Parañaque na anila’y isang road hazard.

Ang guardhouse ay nasa sidewalk na isang blind corner at ang poste ng gate ay ibinaon sa kalsada. Ayon sa mga tricycle drivers, marami nang mga aksidente ang nangyari sa dakong ito mula nang maitayo ang gate at walang aksyong ginagawa ang mga awtoridad ng gobyerno kaugnay nito.  Nagsampa na raw ng reklamo kaugnay nito ang mga concerned residents pero no action pa rin. Tanong nila, “napakalakas” naman daw yata ng nagpatayo ng gate sa mga city officials.  Nagpadala pa ng mga litrato ng gate sa atin ang mga nagrereklamo at mukhang may katuwiran sila.

Bukod sa posibleng sakuna, nagiging dahilan pa ito ng sobrang sikip na trapiko lalo na kung regular na araw dahil sa volume ng mga pribado at pampublikong sasak­yan, kasama na ang mga tricycle na nagdaraan sa lugar na ito.

Nang sumulat si Mr. Wilfrido Cordero, pangulo ng Sun Valley Parkview Homes Homeowners Association sa Office of the City Building Official ng Parañaque, nalaman na walang permit na iniisyu ang tanggapan para sa pagtatayo ng naturang gate. How come ito’y nakatindig ngayon at nagdudulot ng perhuwisyo sa mga mamamayan?

Hinihiling ngayon ng mga homeowners kay Metro Manila Development Authority Chair Bayani Fernando na idimolis ang gate to spare the people who regularly pass this area from further trouble.

Sana sa pamamagitan ng kolum natin ay matawagan ng pansin ang mga kinauukulang awtoridad para aksyonan ang problemang ito sa lalung madaling panahon.

BARANGAY SUN VALLEY

GATE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIR BAYANI FERNANDO

MR. WILFRIDO CORDERO

OFFICE OF THE CITY BUILDING OFFICIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with