^

PSN Opinyon

Reverse piracy

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KAKAIBANG David and Goliath na labanan ang sinalang ni Atty. Estelito Mendoza kamakailan sa Makati Regional Trial Court. Kaiba sa karaniwang balita na kinakasuhan ng malalaking kumpanya ang mga maliliit na opisina, internet café, at pirata sa walang permisong paggamit ng kanilang produkto o “software” (kadalasa’y ang Windows operating system at Microsoft Office applications), ang sinampa ni Mendoza, sa ngalan ng lokal na Southeastern College (SC), ay isang reklamong “piracy” laban mismo sa Microsoft, ang pinakamalaking software company sa buong mundo.

Lumalabas na noong 2004, ginamit ng Microsoft ang akda ng SC na “Manual on the use of Microsoft Office Application” para sa isang programang layong gawing madali ang paggamit ng Microsoft Office software. Nagbayad ang Microsoft ng lisensya o pahintulot para makalimbag ng 10,000 na kopyang ipamimigay sa mga nakilahok sa programa. Hanggang sa puntong ito, wala pang copyright violation ng SC ang nagaganap. Ang problema, noong 2006 ay ginamit muli ng Microsoft ang SC Manual na walang pahintulot. Sinama ito bilang digital file sa pinamigay na CD na Corporate giveaway sa iba namang programa.

Dahil sa laki ng Microsoft, kayang kaya nitong ipursigi ang pagtugis sa mga gumagamit ng produkto nila na walang pahintulot. Kahit man sa isang bansang sing-liit ng Pilipinas, nagagawa nilang tapunan ng kahit gaano kalaking halaga upang ipaglaban ito. Walang duda na mas malaki pa ang tinutustos ng Microsoft sa pagdemanda at paghabol kaysa sa aktwal na halagang nawawala sa kanila. Subalit hindi kailanman naging isyu kung itutuloy nila o hindi dahil ang nakataya dito ay prinsipyo. Kung pabayaan ay magiging tanda ng kapabayaan at mag­sisilbing hudyat lamang na ang Microsoft ay handang manahimik habang ang karapatan nito’y inaabuso.

Kaya dapat din lamang na kapag mapatunayan, kahit sa unang tingin lamang, na ang Microsoft ay nagkasala, sinasadya man o hindi, ay agad nila pangatawanan. Sim­bolo rin ng kanilang pagsuporta sa mga batas ng intellectual property piracy ang agarang pag-ako sa kasalanan. Matalo man sila sa hinihinging danyos na P100-million, bawing- bawi naman sa imahe at respetong makukuha bilang halimbawa ng responsableng pangangalakal.

DAHIL

DAVID AND GOLIATH

ESTELITO MENDOZA

HANGGANG

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MICROSOFT

MICROSOFT OFFICE

MICROSOFT OFFICE APPLICATION

SOUTHEASTERN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with