EDITORYAL — Pati rapist balak nang palayain
BILIBID or not, pati rapist ay balak na ring palayain ni President Arroyo. Kung nagkataon na 70 years old na si convicted rapist Romeo Jalosjos ay baka nga naging tuluy-tuloy na ang kanyang paglaya noong Linggo. Pero hindi pa pala ngayong 2007 ang dapat na paglaya ng dating Zamboanga del Norte congressman. Sabi ng Department of Justice sa 2009 pa maaaring mapalaya si Jalosjos. Kakatwa na binigyan na siya ng “certificate of discharge” noong Linggo na inisyu ng isang opisyal ng New Bilibid Prisons. Tuwang-tuwa na si Jalosjos nang malaman na lalaya na siya. Marami nang naghihintay na mga kababayan niya sa Zamboanga. Naghahanda na sa pagsalubong sa kanya.
Pero binawi ng Justice department ang “discharge order” sapagkat nagalit daw si Mrs. Arroyo. Hindi naman daw nito ipinag-utos ang paglaya ni Jalosjos. Wala pa raw sa panahon ang paglaya ni Jalosjos at masyado raw minamadali.
Ang “paglaya” ni Jalosjos ay isa lamang sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng kasalukuyang administrasyon. Unang kontrobersiya ang paglaya ni dating President Estrada na nahatulan ng Sandiganbayan sa salang plunder. Ipinag-utos ni Mrs. Arroyo ang paglaya ni Estrada dahil umabot na ito sa 70-anyos. Binatikos si Mrs. Arroyo sa aksiyon.
Ikalawang kontrobersiya ay ang pagpapalaya niya sa isa sa mga convicted killer ni dating senador Benigno Aquino Jr. si M/Sgt. Pablo Martinez. Umabot na sa 70-anyos si
Bukod kay Jalosjos, marami pa umanong nakapila na palalayain na ang mga kaso ay pagpatay. Kabilang umano sa nakalinya sina killers Rolito Go at Norberto Manero. Si Go ang nakapatay sa isang
Masyado nang nagiging kontrobersiya ang admininistrasyong ito kung ang pag-uusapan ay pagpapalaya ng mga nahatulan ng hukuman. Isipin na lamang kung ang palalayain ay may hatol na dalawang habambuhay na pagkabilanggo at ang napagsisilbihan pa lamang ay 10 o 16 na taon. Nakagugulantang ito! Kung napalaya si Jalosjos noong Linggo, nakagigimbal na ang administrasyong ito.
- Latest
- Trending