^

PSN Opinyon

Christmas Rage

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ALAM natin ang “road rage”, o ang pandidilim ng paningin kapag napapaaway sa kalye. Marami na rin ang napapatay dahil sa kondisyon na ito. Mga sira-ulo katulad ng abogado sa Pasig na namaril  ng isang lalaki, pati na ang kasamang babae na wala namang ginawa sa kanya. Ano na kaya ang nangyayari sa kasong iyon? Ang suspek ay pa­mangkin ng isang taga-Sandiganbayan. Kayo na ang magtuloy. At alam na rin natin ang steroid rage o “roid rage” kung tawagin. Ito naman ang pandidilim din ng paningin ng mga malakas guma­mit ng anabolic steroids, katulad ng mga professional wrestlers. Isa na rito si Chris Benoit, isang professional wrestler ng WWE, na sa isang pagka­kataon ng kondisyon na ito, pinatay niya ang kan­yang asawa at anak, at nagpakamatay na rin pagkatapos.

At ngayon ay may bagong kundisyon na unti-unting lumalabas na sa mga ganitong panahon.   Ang Christmas rage. Ito ang pag-iinit ng ulo ng ilang tao gawa ng panahon ng kapaskuhan. Naka­ka- tawa, pero totoo. Nandiyan na ang tumitinding trapik, lalo na sa mga kalsadang patungo sa mga malls, kainan at mga Christmas party sa buong Ka­may­nilaan. Matutuyuan ka talaga ng dugo minsan sa tindi ng trapik. Ugali talaga nating mga Pilipino ang mag-last-minute shopping tuwing Pasko, kaya habang papalapit ang bisperas ng Pasko, pasama nang pasama naman ang trapik. Pati sa pamimili ng mga regalo, may Christmas rage na rin. Mga nag-aaway na mga anak, pati mag-asawa, ukol sa pagbibili ng mga regalo. Mga diskusyunan ukol sa gastos at kung ano ang pwedeng ibigay, lalo na sa mga biyenan! Christmas rage nga naman!

At siyempre, ano ang Paskong Pilipino kung walang matinding kainan. Dito may Chrtistmas  rage din! Naaalala ko ang nanay ko kapag nag­hahanda para sa noche buena. Malakas ang loob mo kung papasok ka ng kusina habang nagha- han­da si mommy para sa noche buena! Lagi   mainit ang ulo! Pero habang umiinit ang ulo, lalong suma­sarap ang pagkain! Kaya okay lang, huwag ka lang maligaw sa kusina!

Pero sa halip naman ng lahat na iyan, sulit na­man kapag magkakasama na sa noche buena. Sulit na iyong trapik na pinagdusahan mo, ang mga diskusyon ukol sa regalo kapag binigay mo na sa kinauukulan, at ang masasarap na pagkain sa noche buena.  Ang Paskong Pilipino nga naman! Kung puwede lang ibalik ang panahon para makapiling ulit naming magkakapatid ang mga magulang namin kapag Pasko. Iba kapag kum­pleto ang pa­milya sa mga ganitong panahon. O, isang linggo na lang! Iwasan ang Christmas rage, mga kapamilya!

vuukle comment

ANG CHRISTMAS

ANG PASKONG PILIPINO

CHRIS BENOIT

PASKO

RAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with