BILANG oncologist, marami nang nagtanong sa akin kung ang isa raw bang cancer patient ay apektado ang kanyang sexual activity. Nawawala raw ba ang gana sa pakikipagtalik? Maaari raw bang magbuntis o gumawa ng baby ang isang cancer patient habang nasasailalim ng radiation theraphy o nasa panahon ng active cancer treatment.
May mga cancer patient na hindi nawala ang kanilang pagiging magana sa pakikipagtalik. Gaya na lamang sa mga mauunlad na bansa, ang mga kababaihan na ginamot ang kanilang breast cancer sa pamamagitan ng lumpectomy ay napag-alamang mataas pa rin ang level ng pakikipagtalik sa kanilang asawa. Mataas ang kanilang sexual satisfaction. Gayunman, ang mga may cancer sa uterus at sumailalim sa surgical removal kasunod ang radiation treatment ay nabawasan ang sexual interest sa pakikipagtalik. May mga kababaihan pang dinugo makaraang makipagtalik. Mayroong mabagal ang vaginal lubrication kaya masakit ang pakikipagtalik. Mayroon ding tinatawag na vaginal stenosis. Nararapat ikunsulta sa doctor ang problemang ito.
Ang mga kalalakihan naman na sumailalim sa treatment para sa cancer sa prostate ay mahirap nang magkaroon ng pagtigas ng kanilang ari. Kung ang may prostate cancer ay may edad na, wala na siyang kakayahan pang mag-perform ng sexual activity.
Ang pagbubuntis o paggawa ng baby ng isang cancer patient ay dapat munang iwasan sa panahon na nasa radiation. May masamang epekto sa fetus ang active cancer treatment.
Mahalaga ang papel ng mga doctor, nurses at medical social worker sa sexual function ng cancer patients. Ang maliwanag at detalyadong impormasyon ukol sa sexual functions ay dapat nilang maibigay sa may cancer at ganun din sa partner nito para mapaghandaan ang mga problema. The nursing staff in particular can be instrumental in helping side effects by explaining the physiology involved thereby normalizing the experience and giving pragmatic advise and coping strategies.