^

PSN Opinyon

‘Chief Acosta, 30 PAO Lawyers nalason!’

- Tony Calvento -

Sa pamumuno ni Chief Persida Rueda-Acosta ng Public Attorney’s Office (PAO), sinimulan ang programang Free Legal, Medical, Dental and Optical Jail Visitation noong Abril 2007. Binibigyang pansin ng programa ito ng PAO ang kalagayan ng mga preso sa iba’t ibang kulungan sa buong bansa. Ipinagkakaloob dito ang kanilang mga medical na pangangailangan nang libre. Ito ang dental and optical mission para sa mga nakakulong. Maliban sa check up ay nagkakaroon din ng legal counseling.

Sa loob ng walong (8) buwan ay labing apat (14) kulungan na ang nabisita. Kasama ni Chief Acosta ang PAO Laywers at mga doktor ng iba’t ibang munisipyo pati na rin ang mga galing sa National Bureau of Investigation tuwing nagkakaroon sila ng prison visit.

Subalit nitong Disyembre 11, 2007 ay nangyari ang hindi maganda. Naka-skedyul ang pagbisita sa Maximum Security Compund ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Layon ng prison visit na iyon na tingnan ang kalagayan ng mga nakakulong na may edad 70 taong gulang pataas. Nataon din na bibisitahin nila ang mga Aquino-Galman military soldiers doon. Kakausapin din nila ang mga presong merong pending requests na executive clemency.

Bago tumulak ang grupo ni Chief Acosta sa Bilibid Prison ay dumaan sila sa Tropical Hut sa Panay, Quezon City. Nag-take out sila ng Tapsilog para may mabaon ang grupo. Bandang 10:00 hanggang 11:00 ng umaga nang kainin nila ang kanilang order mula sa fast food na iyon.

“Isang oras matapos kami kumain ay nakaramdam kami ng pagkahilo at pagduduwal. Sumakit ang aming mga ulo at tiyan. Lasang plastic ang aming mga bu­nga­nga kaya hindi naming mapigilang maduwal,” ku­wento ni Chief Acosta sa pakikipanayam namin sa kanya sa aming programang HUSTISYA PARA SA LAHAT.

Tatlumpong (30) PAO lawyers at staff ang kasama ni Chief Acosta na kumain ng Tapsilog mula sa Tropical Hut. Mabuti na lang at may mga kasama silang doktor kaya naagapan sila. Agad silang isinugod sa iba’t ibang hospital tulad ng Saint Luke’s. Ayon kay Chief Acosta ay lumabas sa resulta na positibong may blood infection sila dahil sa food poisoning. Mataas ang level of toxicity ayon sa resulta ng blood exams.

Naalarma si Chief Acosta sa nangyari kung kaya’t agad silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Tropical Hut. Narito ang kanilang sulat para sa Branch Manager sa Panay, Quezon City.

Sir/Madam:

This pertains to the incident last December 11, 2007, where several PAO Lawyers and Staff were downed by food poisoning. Some were hospitalized for severe stomach and body pain, dizziness, headache, vomiting and loose bowel movement after eating contaminated food particularly Tapsilog which was ordered from your restaurant.

It is unfortunate that the said incident happened despite your assurance and representation that your food is safe for consumption. We thus hold you responsible for the said food poisoning.

In this regard, may we invite you for a conference at this office to discuss grave concerns regarding the sad incident and to prevent a repetition thereof.

You may coordinate with Mr. Efipanio C. Coles, Jr., Division Chief, Administrative Division regarding your availability for the conference.

We trust that you will respond positively to this regard.

“Maaaring luma na ang karne na ginamit nila. Dapat ay twice a week ang pagpapalit ng stock tulad ng ibang fast food stores. Puwede rin sigurong may sabotaheng nang­yari gawa ng ilan nilang crew. Pero ang pinaka­impor­tante ay sana tingnan nila ang kalinisan sa kani­lang store,” paliwanag ni Chief Acosta.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang lagay ng mga PAO lawyers at staff na nakakain ng Tapsilog. Patuloy silang nakiki­pag-ugnayan sa pamunuan ng Tropical Hut para magkaroon ng conference sa pagitan nila. Sa paraang ito ay maiiwasan pa na masundan ang nangyari sa grupo ni Chief Acosta.

Sa kabila ng karanasan na iyon, ay nangako si Chief Acosta na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang naum­pisa­hang misyon. Lalo nilang pag-iibayuhin ang pagtulong sa mga nangangailangan. Maliban sa paghawak ng kaso sa mga mahihirap ay gusto rin nilang iparamdam sa mga naka­kulong na hindi sila napapabayaan. 

“Nagpapatunay lamang na malaki ang pagpapahalaga ng ating pamahalaan sa karapatang pantao. Ito ang alay namin sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahi­hirap,” saad ni Chief Acosta.

Sa ganang akin dapat siguro ay naging magandang host itong si Prison’s Director na si Ricardo Dapat. Pagod na nga ang mga tauhan ng PAO ni hindi ka manlang nagpakain dun Dir. Dapat. Hindi siguro alam nitong dating General kung ano ang dapat, ha Dir. Dapat. Sa susunod kortesiya lang ang dapat Director Dapat. Magpakain ka naman.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tuma­wag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

E-mail address: [email protected]

CHIEF

CHIEF ACOSTA

CITY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with