^

PSN Opinyon

Condolence Mayor Chito Marty!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KINUHA ni Lord si Dr. Marie Marty anak ng aming kapatid na si Sta. Cruz Mayor Chito Marty ng Zambales.

Nakaburol ngayon ang labi ni Marie sa Sta. Cruz, Zambales at ililibing sa Sabado, December 15 ng dakong alas-7 ng umaga.

Lets all pray for her soul!

Nakikidalamhati ang buong Master Mason kay Kuyang Chito at pamilya nito.

Ric Ibay, totoo ba ito ?

MUKHANG lutong lugaw ang pagkapanalo ng anak ni dating Manila Councilor Ric Ibay. na si Russel porke ito ang tinanghal na kampeon sa katatapos na Sanggunian Kabataan Federation election.

Naging panggulo este mali pangulo pala si Russel ang problema lang anang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkalagayan daw?

Naka-received ng reklamo ang mga kuwago ng ORA MISMO, na may 500 SK officials ng kanilang federation at other officers ang dinala daw ni Ric Ibay sa isang hotel upang tiyakin ang panalo ng kanyang anak.

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakatanggap daw ng memorandum ang mga SK Chairman mula kay DILG officer Carmelo Borja na mayroon silang two-day, one-night last December 5 and 6 activity sa isang hotel sa Maynila before the election ng Manila SK Federation.

Ang big problem ay ‘deny to death’ si borra este Borja pala regarding sa memorandum porke peke daw ang pirma niya.

Naku ha ! Imbestigahan dapat ito.

Natuloy ang election pero dehins ito nangyari sa isang 5-star hotel at landslide winner ang anak ni Ric.

Sabi nga, congratulation!

May mga parents na humihiyaw ng foul dahil mali daw ang sistema ng vote buying este botohan pala dahil may nag­sasabing  nagka-ayusan ng P1,000 todits.

Naku po! Ayaw ni Manila Mayor Fred Lim ito oras na malaman niya.

Ika nga, huwag bibitaw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may laptop pa daw na kasunod na ibibigay sa mga voter.

Nagsalita si NPC Director at Police Files publisher Joey Venancio, na hindi gusto ni Lim iyan.

Sana bigyan ng oras ni Fred ang nasabing isyu kung totoo man na may nangyaring umanong sahodan este suhulan?   

Baka naman kasing patok talaga ang anak ni Ibay sa katatapos na eleksyon.

Sabi nga, baka may naiinggit lang kaya tinitirya!

 Abangan......

Pamaskong kikil sa mga gambling lord

TULAD ng isyu natin last Tuesday kinikikilan ng isang Morata, ang gagong gumagasgas sa pangalan ni NCRPO Director Geary Barias para kikilan ng P30,000 to P50,000 ang mga bangka ng sugal lupa sa Kamaynilaan na dumalo sa pulong na ipinatawag last month.

Sa Caloocan - si Lucy pala ang may hawak ng saklang patay, Danny at Estanislao, ang bookies ng karerang kabayo.

Navotas - Boy Edmon, lotteng at bookies ng karera ng kabayo,

Malabon - Oyie, video karera.

Quezon City - si Pinong, ang lotteng king at horse racing, Mison at Lito, video karera, Lando, video karera, Danny, video karera.

Las Pinas at Muntinlupa - ang operasyon ng Aguila brothers, horse racing at lotteng, Aguado at Len, horse racing at lotteng, Go at Buboy, lotteng sa San Miguel.

Pasay, Paranaque - si Len at Aguado pa rin ang bangka sa bookies ng karera ng kabayo at lotteng. Joy ng Paranaque video karera, lotteng.

Manila - Tom police, bookies ng karera ng kabayo at lotteng ang may jurisdiction ay ang MPD presinto 6.

Abad at Boni - horse racing at lotteng jurisdiction ng MPD precint 5.

Simbulan at Lando, Lorna - horse racing at lotteng sakop ng MPD presinto 1 at 2 ang operasyon nito.

De Guzman at Lito - lotteng at horse racing jurisdiction ng MPD presinto 4.

Marcelo at Joji - lotteng at horse racing MPD presinto 7 ang operasyon at bagman ito ng isang alyas Boysie.

Ferdie - Chinatown at Presinto 3 ng MPD lotteng at horse racing ang operasyon.

 Taguig - Caguas, video karera ang operasyon.

‘Kapos ulit ang kolum ng Chief Kuwago daming pang pangalan ng mga bangka kinikikilan ni Morata General Barias, Sir.’

‘Wait and read.’

HORSE

KARERA

LOTTENG

NAKU

RACING

RIC IBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with