^

PSN Opinyon

Surgery: Isang paraan para ma-treat ang kanser

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

BUKOD sa radiation theraphy at chemotheraphy, ang surgery o pag-opera sa tumor ay may mahalaga ring papel sa cancer management. Ginagawa ito bilang primary treatment sa kanser.

Unang gagawin sa pamamaraang ito ay ang pagkuha ng maliit na portion sa solid tumor para sa pathological identification at para na rin malaman ang stage ng kanser. Kapag sa diagnostic ay makitang maaaring alisin ang tumor na walang maiiwang residual cells, isasagawa ito. Kailangan ang masusing pag-aaral sa pag-opera ng tumor sapagkat maaaring may maiwan at muling lumitaw ito sa dating lugar na inopera.

Ang tinatawag na margins ng tissue ay masusing pinag-aaralan at laging tsini-checked ng pathologist para masiguro na ang margins ay malinis (free of tumor cells).

Kung ang pathological tests sa oras ng operasyon ay nakitang may tumor cells sa margins, isasagawa ang tinatawag na radical resection o ang paglilinis. Ang pathologists ang nakaaalam nito.

Kung ang operasyon o ang pag-aalis sa tumor ay hindi naging successful, ang karagdagang theraphy gaya ng radiation ay maaaring isagawa sa pasyente.

Marami pang treatment regimens na isinasagawa ngayon at kabilang dito ang conservative surgery na inaalis ang tumor at ang tinatawag na adjuvant the­ raphy.

Ang surgery ay may mahalaga ring papel para sa  pallat­ment treatment. Ito rin ay gumaganap sa papel para suportahan ang insertion ng feeding tubes at ang tracheotomy or colostomy para sa obstructive lesions.

GINAGAWA

KAILANGAN

KAPAG

MARAMI

PARA

TUMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with