THE press is depressed because it is oppressed. Sa nature ng aming trabaho, very predisposed kami sa hypertension. Sa nabigong rebelyon ng Magdalo group ni Trillanes sa Peninsula Hotel sa Makati, pati mga reporters, photogs at cameramen na kumokober ay pinagdadampot ng mga pulis. Ang masakit, imbes na posasan ay itinali na lang ng nylon cord ang mga kamay! What a shame! Yung Fourth Estate ay “nababoy” at naging “pork estate.”
Pasaway talaga kami pagdating sa pagkalap ng istorya. Trabaho lang. We need to keep our stand as the eyes and ears of the people sa mga importanteng pangyayari sa ating bansa. Nakakatensyon talaga job namin. Reporter ka man, photographer, cameraman o editor. Iyan ang dahilan kung bakit naisipan naming i-revive ang Celebrity Night sa National Press Club of the Philippines (NPC) tuwing Biyernes ng gabi. Pampawala ng tension. Hopefully, pampahaba ng buhay dahil marami na sa amin ang (nak on wud) natitigok sa hypertension. Huwag lang totoma ng sobra-sobra para ayos ang good time.
Mangunguna sa formal re-launch ng Celebrity Night si NPC President Roy Mabasa. Ang tema’y “Paskong kay Saya” with yours truly na chairman ng Celebrity Night committee at si Bobby Enciso ng Manila Bulletin na vice chairman. Kaming dalawa ni Bobby ang host ng pagtatanghal. Ang guest celebrity ay ang walang kupas na “Shirley Bassey” of the Philippines, Ms. Carmen Pateña. So tinatawagan ko ang ating mga kabaro sa media, if you wish to unwind on Friday night, sama-sama tayo sa NPC. Siyanga pala, maraming salamat sa ating butihing Senador na si Bong Revilla na tumulong nang malaki para maging matagumpay ang Celebrity Nights. Si Senator Bong ay masugid ding nananawagan na magsasagawa ng imbestigasyon sa nabanggit nating media arrest na mukhang prelude sa panunumbalik ng mar-tial law (huwag naman). Ka-gimmick din natin si Bong sa Friday mga comarades kaya join na kayo para masaya.
By the way, tribute na rin ang Friday’s celebrity night sa pagdiriwang ng ika-50 taong kaarawan sa show-biz ni Ms. Carmen Pateña. Nagpahayag ang editor ng Journal na si NPC direk Dennis Fetalino na ang Paskong kay Saya ay tunay na kagigiliwan ng mga NPC members.
See you there comrades. Showtime is at 7 pm.