^

PSN Opinyon

Huling rebellion na ang ginawa nina Trillanes?

- Bening Batuigas -

PORMAL nang sinampahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ng kasong rebellion at inciting to rebellion si Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim, dating Vice President Teofisto Guingona Jr, at iba pa sa Department of Justice matapos ang Manila Peninsula Hotel standoff.

Ito na nga kaya ang tamang proseso para matuldukan ang pagrerebelde ng ilan nating mga sundalo at mga pulitikong mataas ang ambisyon na umagaw sa kapang­yarihan? He-he-he! Marahil tama lamang ang hakbang ng PNP-CIDG para hindi na maulit ang kapalpakan. Napahiya sila matapos na malusutan ng grupo ni Trillanes at Lim ang Intelligence Service ng PNP at AFP. Get nyo mga suki?

Nabigla ang sambayanang Pilipino noong Huwebes nang ang grupo nina Trillanes at Lim ay maglabasan sa Makati Regional Trial Court habang dinidinig ang kasong Oakwood Mutiny.

Naglakad ang grupo nina Trillanes at Lim sa kahabaan ng J.P.Rizal at lumiko patungong Makati Avenue kasama ang mga sundalo at sibilyan na may matataas na kalibre ng baril at sumisigaw na paalisin sa puwesto si President Gloria Macapagal-Arroyo.

Matapos ang 45 minutong paglalakad ay pumasok sila sa Manila Pen kung saan nagkabasag-basag ang mga salamin matapos pigilan ng ilang in-house security ang grupo nina Trillanes na makapasok.

Walang nagawa ang mga security ng hotel dahil matataas na kalibre ng baril ang naka-umang sa kanila. Nagka-ipit-ipit ang ilang mamamahayag sa pag-uunahan sa pagpasok.

Ipinakita lamang ng aking kapatid sa hanapbuhay ang dedikasyon sa kanilang propesyon. Get nyo mga suki?

Walang takot na sinubaybayan ng media mga kaga­napan sa loob ng hotel. Hanggang matapos ang standoff ay hindi rin kumalas ang media at sa unang pagkakataon ay namangha ang sambayanan ng pati sila (media) ay posasan at inilabas sa hotel.

May ilang oras din silang pinigil sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Ricardo Papa, Taguig City ng gabing iyon. Ilang photographer ang nagsabi na kinumpiska umano ng mga kapulisan ng NCRPO ang kanilang camera. Ika nga’y damay-damay na sa asunto matapos na sila’y mainsulto ng tropa ni Trillanes at Lim.

Ngunit lalong nagngitngit ang kapulisan ng malusutan sila ni Capt. Nicanor Faeldon sa kabila na maraming sundalo at pulis na kumordon sa paligid ng hotel, he-he-he! Bokya na naman sila mga suki!

Ito na nga kaya ang huling pag-aaklas ng ilang sundalo at ambisyosong pulitiko. Abangan!

ANTONIO TRILLANES

CAMP RICARDO PAPA

DANILO LIM

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTELLIGENCE SERVICE

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with