^

PSN Opinyon

May cataract ang kanyang ama

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicano, ang akin pong ama ay mayroong cataract. Hindi pa po namin siya maipaopera dahil kulang pa ang aming pera. Hihingi lamang po ako ng ilang kaalaman hinggil sa sakit na ito. Naniniwala po ako na pagbibigyan mo ang aking kahilingan. Maraming salamat at more power. —SARAH MAGNAYE, Or. Mindoro

Ang cataract o katarata ay parang ulap na nakabalot sa mga mata. Unti-unting natatakpan ang itim ng mga mata.

Ito ay isang condition kung saan ang lens ng mata ay nagiging matigas at opaque. Ito ang nagiging dahilan   kaya nagiging blurred ang paningin.  Ang lens ng mga mata ay nakapaloob sa isang manipis na capsule at ito ang responsible sa tumatamang liwanag papasok sa retina    kaya nagkakaroon ng hugis ang imahe.

Ang katarata ay karaniwang tumatama sa mga nag­kakaedad na tao pero maaari ring tumama sa mga kaba­taan. Ito rin ay maaaring mamana ng sanggol sa kanyang inang may katarata.

Karaniwang sintomas ng katarata ay ang panlalabo o pagblurred ng mga mata na habang tumatagal ay nagiging grabe.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng kata-rata. Una ay ang natamong kapinsalaan ng mata; ikalawa ay ang mga tinatawag na metabolic disorders kagaya ng diabetes at hypoparathyroidism; ikatlo, congenital disorders particular ang Down’s syndrome at German measles o rubella. Gayunman, ang pinaka-karaniwang dahilan ay ang pagtanda ng tao.

Ginagamot ang katarata sa pamamagitan ng ope­rasyon. Aalisin ang bahagi ng lens na apektado o maaaring ang kabuuan nito.

Kapag napansin ng mga nagkakaedad na nagiging blurred ang paningin, huwag itong ipagwalambahala at agad kumunsulta sa doctor. Ang mga impeksiyon sa mata ay nangangailangan ng agarang pagtingin. Magkaroon ng regular eye checkup at sight tests.

AALISIN

DR. ELICANO

MARAMING

MATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with