^

PSN Opinyon

Problemang hinaharap

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
(Unang Bahagi)

ILANG magulang ang nagbigay ng reaksyon sa aking kolum noong Sabado at Martes (Mas Makabuluhang Edu­kasyon) tungkol sa pangunahing karapatan at tungkulin nila sa pagtuturo ng kanilang mga anak, partikular sa pagtuturo ng sex at sex education. Di maikakaila na ang kanilang tugon ay karaniwang problema ng mga magulang hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin.  Totoong marami sa mga magulang ang nakadaramang hindi sila komportable at hindi rin handang gumanap sa ganitong tungkulin hindi lamang dahil sa generation gap ng magulang at anak, kundi lalo’t higit dahil sa kaabalahan nila sa trabaho na sanhi rin ng kawalan ng de-kalidad na panahong dapat sana’y gugulin sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Talaga namang mahirap itong gampanan ng mga magulang kung nahihirapan sila maging sa pagha-nap ng ikabubuhay.

Ngunit hindi sapat na dahilan ang problemang ito para akuin ng Estado ang naturang papel at walang pasintabing hayaan ang mga guro, na karamihan ay walang sapat na kahandaan, na gumanap ng maselang tungkulin. Sekon­darya at pansuporta pa rin ang papel ng Estado sa gani­tong sitwasyon. Hindi nito dapat desisyunang mag-isa ang pagsasama sa kurikulum ng paaralan ng mga modyul sa sex education na ibinigay ng mga banyagang ahensiya, kasama ang malaking pondo, para maturuan ang mga bata na gumamit ng kontraseptibo at iba pang maka­bagong paraan ng pagkontrol sa panganganak na napa­tunayan na ng medisinang makasasama sa kanilang pisikal at ispiritwal na kalagayan.  Sa madaling salita, kung ituturo man sa mga paaralan ang sex education, marapat lamang munang isangguni, ipaalam at ihingi ito ng permiso sa mga magulang upang matiyak na aayon ito sa mga tradisyonal na pagpapahalagang Pilipino at paniniwalang panrelehiyon.  Dapat la­mang na magkasama   sa pagkilos ang mga magulang at Estado sa pagtuturo ng sex at seks­walidad, habang mag­bibigay lamang ng mga kinakailangang tulong ang Estado.
(Itutuloy)

DAPAT

MAGULANG

MAS MAKABULUHANG EDU

SHY

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with