Hindi dapat pinardon sina Estrada at Martinez

NANG i-pardon ni Pre­sident GMA si ex-Pre­sident Estrada, naisip ko nang may mga bilanggo rin na maiinggit at hihili­nging sila rin ay maga­waran ng pardon. Lalo pa ngayon na pinardon ni GMA si Master Sgt. Pablo Martinez, isa sa mga aku­sado sa Aquino-Galman murder case.

Nabulabog ang mga bilanggo lalo na ang mga matagal nang nakaku­long. Tiyak na aandar ang palakasan at padrino system para mapabilang sila sa listahan nang mapa-pardon. Kaya ka­sunod ng paglaya ni Martinez ay agad nabalita na ang mga kasamahan niya ay dapat din daw mabigyan ng pardon.

Ngayon lamang na­ging kontrobersiyal ang bigayan ng pardon. Dati ay walang pumapansin kung sino ang mga napa-pardon ng Presidente. Ang pagpardon ni GMA kay Estrada ay may bahid na ng pamumulitika

Noon pa, nahulaan ko nang bibigyan ng kulay-pulitika ang pag-pardon ni GMA kay Estrada lalo pa at hindi masyadong mali­wanag ang mga basehan at kondisyon ng pagpa­palaya sa ex-president.

Malaking gulo kapag may malaking tao o kila­lang pulitiko ang mabi­bigyan ng pardon ni GMA. Siguradong ba­ba­ti­ku­sin siya kaliwa’t kanan. Gaya ngayon na nababa­litang may mga maimplu­wen­ siyang pulitiko na pinag­ha­handaan nang ihingi ng pardon kay GMA katulad ni ex-Reps. Romeo Ja­losjos at Jose Villa­rosa. Sample pa lamang sila sapagkat marami pa ang nakalinya.

Malaking gulo ang ginawa ni GMA na pag-pardon kay Estrada  at kay Martinez. Dapat mag­dahan-dahan ang Presi­dente. Pag-aralan niyang mabuti ang paggawad ng pardon sa mga bilanggo sinuman. Hindi niya dapat paniwalaan ang reko­mendasyon ng kanyang mga tauhan.

Show comments