^

PSN Opinyon

Ay mali! Buti na lang!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SALAMAT naman at hindi na naminsala ang bag­yong Mina sa Bicol, at lumihis pataas papuntang Hilagang Luzon, at hu­mina pa nang tumama sa Isabela. Ang Kamay­nilaan ay hindi nakaranas ng epekto ng bagyong ito. Ang magandang nakita sa ating mga kababayan ay naghanda sila saka­ling tumama nga ang ma­lakas na bagyo. Lumikas ang mga nasa maba­babang lugar sa Bicol, tinanggal ang ilang bill­board sa Metro Manila, nagbilihan ng kandila. Pinaghandaan talaga nilang mabuti. Hindi na baleng handa at hindi tumama ang bagyo, kaysa tumama na hindi handa. Malakas ang pag­da­rasal ng mga tao, at nakinig ang maawaing Diyos.

Ang nakapagtataka ay ang pagbabalik ng bagyong Lando matapos humampas sa Vietnam! Parang hinatak ni Mina si Lando pabalik ng Pili­pinas! Sana naman hindi na malakas ang hangin ni Lando.

Sinisisi naman ang PAGASA sa mga maling prediksyon ukol sa da­daanan ni Mina. Ayon naman sa PAGASA, ma­raming puwedeng mang­yari talaga sa pagbaybay ng isang bagyo, at pinag-aaralan nila ang pinaka­posibleng daan. Hindi naman talaga eksaktong siyensiya ang paghuhula sa panahon. Ganundin ang panghu­hula ng pag­sabog ng isang bulkan at lindol. Wala naman talagang eksakto pag­dating sa lagay ng pa­nahon. At ito ay isang pagkakataong mas ma­buti na magka­mali kaysa maging tama. Isipin na lang natin ang danyos na naman sa Bicol kung tumama nga ito ng todo-lakas! Baka mas masama pa ang nang­­yari kaysa sa Reming noong isang taon.

Sana wala nang bag­yong dumating para hindi masira ang kapaskuhan natin. Mabigyan naman sana tayo ng pagkaka­taong maging masaya kahit sa simpleng paraan lang. Marami na rin kasing bagyo ang dumaan sa atin galing sa kasa­lukuyang administrasyon. Sa katunayan, ang tunay na bagyo lumilipas pero ang bagyo ng katiwalian at anomalya, nananatili at hindi nalilimutan.

ANG KAMAY

BICOL

HILAGANG LUZON

LANDO

METRO MANILA

NAMAN

SANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with