Principal at berdugong guro sa Valenzuela, nagtago sa BITAG!
Ito’y matapos na personal na puntahan ng BITAG ang nasabing eskuwelahan upang kunin ang panig ng principal at ng inirereklamong guro tungkol sa reklamo ng 7 grade 3 students.
Reklamo ng mga estudyante, ipinagulpi daw sila ni Mr. Bonifacio sa loob mismo ng eskuwelahan sa isang rugby boy na nakatambay sa labas ng kanilang eskuwelahan.
Nainterview ko ang mga estudyante kasama ang kanilang mga magulang noong nakaraang Miyerkules sa Bahala si BITAG Live sa UNTV Ch.37 at ipinalabas naman sa BITAG nitong nakaraang Sabado ang segment ng reklamong ito.
Bahagi ng prosesong ginagawa ng BITAG sa pag-iimbestiga sa mga reklamong inilalapit sa amin ay ang personal na puntahan at kausapin ang respondent o ang inirereklamo.
Hindi upang kumprontahin kundi para kunan ng panig sa reklamong ipinupukol sa kanila. Nagkakaroon lamang ng mainitang diskusyon kapag baluktot na ang mga katwiran at nagsisinungaling ang aming kausap.
Hindi masisisi ng BITAG kung mabahag ang kanilang mga buntot, marahil sa takot dahil napapanood nila kung paano magtrabaho ang BITAG, disappearing act ang drama ng principal at ng berdugong si Mr. Bonifacio.
Ang nakakatawa dito, mismong si principal pa ang nag-schedule sa BITAG na mag-usap kaharap ang mga nagrereklamong estudyante at magulang at si Mr. Bonifacio.
Dokumentado ng aming camera ang pakikipag-usap kay principal sa telepono hinggil sa request naming paghaharap. “Ala una ng hapon” pa nga ang kani yang binigay na schedule.
Subalit pagdating namin sa eskuwelahan, wala si principal at wala din ang gurong si Bonifacio.
At ang obvious na pagtatagong ginawa, tinanggal nila ang kanilang mga picture sa kanilang daily time record na nakasabit sa loob ng opisina at ilan pang larawan sa kani-kanilang mga lamesa.
Bagamat hindi kami nagkita-kita at nagawa man nilang magtago upang di makita ang kanilang pag mumukha sa aming camera, wala pa rin silang ligtas dahil hindi pa tapos ang BITAG.
Nag-uumpisa pa lamang ang BITAG at sisiguraduhin naming may mananagot at dapat sumagot sa reklamong panggugulpi sa 7 grade 3 students…
Abangan!
- Latest
- Trending