(Unang Bahagi)
Habang lubhang abala ang mga tao sa pulitika, mga iskandalo sa panunuhol, at mga kontrobersyal na aksyon ng administrasyon lalo na ang pagwawalang-sala kay Erap kamakailan lamang, isang kampanyang higit na nakasisira sa lipunan ang palihim na isinasagawa at ipinagpapatuloy kapwa sa local at pambansang lebel. Hindi pa ito nakikita sa unang pahina ng mga pahayagan kundi sa mga panloob na pahina lamang, nguni’t ang sex education sa mga klasrum na isinasagawa ng mga guro ay aktibo at patagong isinusulong ng Departamento ng Edukasyon (DepEd), iba pang ahensiya ng pamahalaan, at ilang lokal na grupong nagtatakda ng mga polisiya gaya ng Quezon City Council.
Malinaw na ang ating mga pampublikong opisyal ay nagsasagawa ng mga programang binalak sa Estados Unidos noon pang 1970 na kilala bilang National Security Study Memorandum 200 (NSSM 200) na lubhang nagbibigay halaga sa paglaki ng populasyon sa ating bansa dahil seryoso itong nagbabanta sa ekonomiko at pulitikal na katatagan ng EU. Inaakala ng programang ito na hindi kumpletong sagot sa problema ng populasyon ang mga serbisyo at impormasyong kaugnay ng kontraseptibo, kaya kailangang pagtuunan din ng pansin ang “edukasyon at indoktrinasyon ng lumalaking henerasyon ng kabataan tungkol sa kabutihan ng maliit ng pamilya.” Ang programa ay pinopondohan ng mga internasyonal na ahensyang tulad ng United Nations Fund for Population Activities (UNFPA), International Planned Parenthood Federation (IPPF), USAID at iba pang US Foundation na may malaking kaban ng salapi. Kaya naman hindi kataka-takang madali nilang makumbinsi ang ating mga pambansa at lokal na opisyal na kilalang may kahina-hinalang reputasyon.
Hindi ito ang unang pagkakataong sinabi ko na ang sex education ay hindi karapatan o katungkulan ng sinumang guro sa anu mang lebel sa alinmang paaralan; na ang edukasyon at pag-aaruga sa mga bata lalo na sa mga bagay na pribado at personal gaya ng sex at sekswalidad ay pangunahin at likas na tungkulin ng kanilang mga magulang na siyang dapat humubog sa kanilang mga anak batay sa mga pagpapahalaga ng kanilang sariling Pananampa lataya. Samakatu wid, ang aksyon ng mga publikong opisyal ay maliwanag na labag sa Konstitusyon dahil panghihimasok ito sa pangunahin at likas na karapatan ng mga magulang. Sumasalungat din ito sa patakaran ng Estado na kumikilala sa kabanalan ng buhay pamilya at nagtatang- gol at nagpapatibay ng pamilya bilang batayan at indipendiyenteng institusyong panlipu-nan na itinatakda sa Sekyon 12, Artikulo II ng ating Konstitusyon. Nguni’t ipinagwawalang-bahala lamang ito ng ating mga lokal at nasyonal na opisyal kaya naman lumala-wak ang persepyong nahihikayat sila ng mas “makinang” na pang-akit ng mga banyagang nagbibigay ng pondo sa programa.
(Itutuloy)