^

PSN Opinyon

Mas makabuluhang Edukasyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang Bahagi)

Habang lubhang abala ang mga tao sa pulitika, mga iskan­dalo sa panunuhol, at mga kontrobersyal na aksyon ng administrasyon lalo na ang pagwawalang-sala kay Erap kamakailan lamang, isang kampanyang higit na nakasisira sa lipunan ang palihim na isinasagawa at ipinagpapatuloy kapwa sa local at pambansang lebel.  Hindi pa ito nakikita sa unang pahina ng mga pahayagan kundi sa mga panloob na pahina lamang, nguni’t ang sex education sa mga klasrum na isinasagawa ng mga guro ay aktibo at patagong isinusulong ng Departamento ng Edukasyon (DepEd), iba pang ahensiya ng pamahalaan, at ilang lokal na grupong nagtatakda ng mga polisiya gaya ng Quezon City Council.

Malinaw na ang ating mga pampublikong opisyal ay nagsasagawa ng mga programang binalak sa Estados Unidos noon pang 1970 na kilala bilang National Security Study Memorandum 200 (NSSM 200) na lubhang nagbibi­gay halaga sa paglaki ng populasyon sa ating bansa dahil seryoso itong nagbabanta sa ekonomiko at pulitikal na katatagan ng EU.  Inaakala ng programang ito na hindi kumpletong sagot sa problema ng populasyon ang mga serbisyo at impormasyong kaugnay ng kontraseptibo, kaya kailangang pagtuunan din ng pansin ang “edukasyon at indoktrinasyon ng lumalaking henerasyon ng kabataan tungkol sa kabutihan ng maliit ng pamilya.”  Ang programa ay pinopondohan ng mga internasyonal na ahensyang tulad ng United Nations Fund for Population Activities (UNFPA), International Planned Parenthood Federation (IPPF), USAID at iba pang US Foundation na may malaking kaban ng salapi.  Kaya naman hindi kataka-takang madali nilang makumbinsi ang ating mga pambansa at lokal na opisyal na kilalang may kahina-hinalang reputasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataong sinabi ko na ang sex education ay hindi karapatan o katungkulan ng sinumang guro sa anu­ mang lebel sa alinmang paaralan; na ang edu­kas­yon at pag-aaruga  sa mga bata lalo na sa mga bagay na pribado  at personal gaya ng sex at sekswali­dad ay pa­ngunahin at likas na tungkulin ng ka­nilang mga magulang na si­yang dapat humubog   sa kanilang mga anak batay sa mga pagpa­pahalaga ng ka­nilang sariling Pana­nampa­ lataya.  Sama­ka­­tu­ wid, ang aksyon ng mga publikong opisyal ay mali­wanag na labag     sa Kons­titusyon dahil panghihi­masok ito sa pangunahin at likas na karapatan ng mga ma­gulang. Suma­sa­lu­ngat din ito sa pata­karan ng Estado na kumi­kilala sa kabanalan ng buhay pamilya at nagta­tang- gol at nagpapatibay ng pamilya bilang batayan at indipendiyenteng institusyong panlipu-nan na itinatakda sa Sekyon 12, Artikulo II ng ating Kons­titusyon. Nguni’t ipinag­wa­wa­lang-bahala lamang ito ng ating mga lokal at nasyonal na opisyal kaya naman lumala-wak ang persepyong nahihikayat sila ng mas “makinang” na pang-akit ng mga banya­gang nagbibigay ng pondo sa programa.

(Itutuloy)

ESTADOS UNIDOS

INTERNATIONAL PLANNED PARENTHOOD FEDERATION

NATIONAL SECURITY STUDY MEMORANDUM

POPULATION ACTIVITIES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with