EDITORYAL — Hanapin ang utak!
DALAWANG araw makaraang pasabugan ng bomba ang South Wing ng Batasan Pambansa noong November 13, tatlong suspect ang agad na napatay ng pulisya at tatlo pa ang naaresto. Nakuha sa inuupahang bahay ng mga suspect sa Payatas,
Mga miyembro ng Abu Sayyaf ang suspects. Ayon sa pulisya, si Akbar ang talagang target. Ikinabit ang bomba sa motorsiklo at saka ipinarada malapit sa sasakyan ni Akbar. Pababa na sa hagdan si Akbar nang i-detonate ang bomba sa pamamagitan ng cell phone. Sapol si Akbar at iba pang palabas sa South Wing.
Sunud-sunod pa ang mga naging pagsalakay ng pulisya sa mga pinagtataguan ng mga suspected Abu Sayyaf. Kamakalawa, isang bahay sa Malate ang sinalakay at naaresto ang isang dating mayor ng Tuburan. Ang mayor ay itinuro ng tatlong suspect na naaresto sa Payatas. Nakuha sa bahay ng mayor sa Malate ang isa pang motorsiklo na may trace ng nitrate. Ayon sa pulisya, ang motorsiklong may bomba ang gagamitin para pasabugin ang bahay ni Akbar sa Valle Verde,
Unang lumutang ang pangalan ng isang dating kongresista na may kinalaman daw sa pambobomba sa Batasan. Sabi ng pulisya, nakuha sa mga suspect na naaresto sa Payatas ang ID ng driver ng dating kongresista at pati plaka ng sasakyan niya. Gayunman itinanggi ng dating kongresista na may kinalaman siya sa pambobomba. Nilinis naman kaagad ni Exec. Sec. Eduardo Ermita ang pangalan ng dating kongresista. Hindi raw ito magagawa ng dating kongresista.
Isa pang kongresista ang nasasangkot sa bombing. Pero
Mabilis ang PNP sa pagdakma sa mga suspect at maaaring sa mga sumunod na araw ay may madakma pa sila. Dapat silang purihin sa ganitong gawain. Pero mas matutuwa ang marami kung ang mismong “utak” sa bombing ang kanilang maipipresenta. Tiyak na hahangaan sila ng taumbayan.
- Latest
- Trending