^

PSN Opinyon

EDITORYAL  – Pati paggawa sa kalsada ay apektado ng anomalya

-

TAUMBAYAN na naman ang apektado sa gina­wang pagkansela ng World Bank sa $232-mil­yong loan para sa pagpapagawa ng mga kalsada sa maraming lugar sa bansa. Ang dahilan ng pagkan­sela ng loan ay matinding corruption. Sabi ng  World Bank, sa unang phase ng National Road Improvement and Management Program (NRIMP) ay nahaluan ng anomalya sa pakikipagsabwatan ng mga local contractor sa Chinese company na nanalo sa bidding.

Nakakahiya na naman ang Pilipinas sapagkat ang isyu na naman sa corruption ang nakabilad. Ang masakit, apektado ang karaniwang mamamayan sa ginawang pagkansela ng World Bank. Kung hindi matutuloy ang paggawa ng mga kalsada, lalo nang hindi uunlad ang mga bayan. Ang kalsada pa naman ay pinakamahalaga para gumalaw ang negosyo. Paano maita-transport ang mga produkto ng mag­sasaka patungong bayan kung walang kalsada. Paano maipakikita ang kagandahan ng mga lugar sa Pilipinas kung walang kalsadang dadaanan ng mga turista. Hindi kailanman gagalaw ang buhay sa mga liblib kung walang kalsada. Maski ang paglala­gay ng kuryente ay mahirap kung walang kalsada.

Corruption na naman ang bukambibig at nakaka­hiya na ang ganito. Katatapos lamang ng maano­malyang NBN/ZTE deal ay eto na naman ang pani­bagong isyu na ang World Bank pa mismo ang nakadiskubre ng mga nangyayaring corruption. Ang NBN deal ay batbat ng kontrobersiya na pati ang asawa ni President Arroyo ay nakaladkad ayon sa pagbubunyag ng anak ni  House Speaker Jose De Venecia. Ibinasura ni Mrs. Arroyo ang kontrata sa Chinese firm ZTE. Kung hindi nabuking ang anomal­ya, ang taumbayan ang kawawa sa pagbabayad. Makukuba sila sa pagbabayad na hindi nila alam kung ano at para saan ang binabayaran. Isa pa sa nakatakdang imbestigahan ng Senado ay ang NorthRail Project na nasasangkot naman si Speaker De Venecia.  May nakikita ring anomalya sa proyekto na isang Chinese firm din ang nanalo sa bidding.

Sayang ang nakanselang loan na mahalaga pa naman para sa pagpapagawa ng mga kalsada. Ka­wawa na naman ang karaniwang mamamayan na apektado ng talamak na katiwalian. Kailan nga kaya masusugpo ng administrasyong Arroyo ang mga corrupt sa pamahalaan?

HOUSE SPEAKER JOSE DE VENECIA

KALSADA

KUNG

MRS. ARROYO

NAMAN

NATIONAL ROAD IMPROVEMENT AND MANAGEMENT PROGRAM

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with