^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Gutom at gahasa

-

NANG magbigti ang 11-anyos na si Marianeth Amper noong November 2, marami ang nagim­bal. Paano nagawang kitilin ng bata ang sariling buhay? Sa kanyang murang edad ay nagawa niya ang ganoon kalagim na pagpapakamatay. Mas lalo ang nagimbal sa mga sunod na balita na may kaug­nayan sa pagpapakamatay ni Marianeth. Luma­bas na dahil umano sa kahirapan ng buhay ang dahilan ng pagpapakamatay ng bata.

Maraming nagkaroon ng simpatya sa pamilya ni Marianeth kaya bumaha ng tulong — pagkain, pera at iba pa. Nakaaawa naman ang kalagayan ng pamil­ya na masyadong hirap na hirap na sa buhay.

Ang kahirapang dinaranas ay isinulat ni Marianeth sa kanyang diary na nakalagay umano sa ilalim ng unan nito. Masyado na raw ang hirap na kanilang dinadanas. Bukod sa kahirapan, nabanggit din ang umano’y madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang.

Isang araw makaraang mabalita  ang pagkamatay ni Marianeth dahil sa kahirapan, agad nagpalabas ng karagdagang P1-bilyong pondo si President Arroyo para sa mga nagugutom o naghihirap.

Ilang araw ang nakalipas at tila lumalalim ang kontrobersiya sa nagpakamatay na si Marianeth. Nagkaroon ng teoriya ang pulisya na hindi ang kahirapan ng buhay ang nagtulak kay Marianeth para magpakamatay. Mayroong malalim na dahilan kaya nagawa ng bata na kitilin ang sariling buhay.

Lumabas ang teoriya na maaaring ginahasa ang bata kaya nagpakamatay. Dahil sa tindi ng problema ay naatim magpakamatay.

At habang tumatagal ang isyu tungkol sa batang nagpakamatay, patuloy namang nadadagdagan ang mga dapat imbestigahan sa kaso. Sabi ng pulis, maaaring incestuous rape ang nangyari. Maaaring ginahasa si Marianeth ng kanyang ama o ng dalawa nitong kapatid. Sabi naman ng ama ni Marianeth, malayong gawin niya ang ganoon kasamang gawain sa kanyang anak. Handa raw siyang magpaimbestiga kung kinakailangan. Bukod sa ama, ang dalawang lalaking kapatid ni Marianeth ay pinaghihinalaan din ng pulisya na sangkot sa panggagahasa.

Dalawa ang malaking problema ng bansa sa kasalukuyan — gutom at malalang kriminalidad        na kinabibilangan ng panggagahasa.

Ito ang dapat na iprayoridad lutasin ng gobyerno. Hindi lamang sa Davao may nagaganap na ganitong kuwento kundi pati rin sa Metro Manila.

BUKOD

MARIANETH

MARIANETH AMPER

PRESIDENT ARROYO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with