^

PSN Opinyon

Oil price hike

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

DAPAT sigurong pag-aralan ng mga mambubutas este mali mambabatas pala ang oil deregulation law para naman matulungan ang naghihikayos na madlang people na walang puknat sa pagtataas ng halaga ng langis sa Philippines my Philippines.

Maraming nagtataka sa pamahalaan na para sila pa ang tagapagsalita ng mga higanteng oil companies kapag ang isyu ay ang taas blues ng mga presyo nito.

Bakit kaya?

Nagbabanta ang ilang transport group na magkakaroon ng nationwide strike regarding sa walang habas na pagtaas ng oil prices halos everyday ay bumubulusok ito papuntang langit.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na global problem toits at dehins lang ang Philippines my Philippines ang nakakaranas nito kaya lang ang problema hindi nararamdamn ng madlang people ang lumalakas na PISO kontra US DOLLAR!  Asan ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dapat hintayin ng pinoy ang pagpasok ng 2008 porke makakaranas pa daw tayo ng mas matinding hirap sa economy kaya ang ma-e-erap ay malalagapot.

Sana huwag naman.

Lord, please help us!

Pasalamat pa rin tayo sa mga transport group at naiintindihan nila ang problema ng madlang people kaya up to now ay dehins pa rin sila nagtataas ng pasahe pero kapag sila ang nairita sa walang tigil na pagtaas ng krudo sa Philippines my Philippines tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na magsusunuran na rin para tumaas ang lahat ng uri ng bilihin.

Sabi nga, kawawang PINOY!

Kaya ang mabuti, itapon sa basura ang oil deregulation law.

Abangan....

Imported 2nd hand vehicles, bawal na

SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Supreme Court porke kinatigan nila ang decision ni Prez Gloria Macapagal Arroyo na ipagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga segunda manong imported vehicles kaya naman nagtatalon sa lundag ang mga local car manufacturer.

Final and executory ang decision todits ng Korte Suprema kaya ang mga sasakyan nabanggit na papasok sa teritoryo ng Philippines my Philippines ay dehins na puwedeng itakbo sa kalye.

Bhe, buti nga....Hehehe!

Puwede silang ipasok sa Subic Bay Metropolitan Authority porke open port ito kaya lamang ang mga imported second hand vehicle ay dehins puwedeng ilabas ng SBMA dahil huhulihin ito ng mga patong este mali authorities pala.

Ang mga sasakyan na dumating sa SBMA ay puwedeng gawin sa loob ng yarda pero dapat kapag natapos na ang pag-ayos todits ay irere-export ito sa port of origin.

Ika nga, hindi puwedeng ibenta at ilabas ng SBMA at iba pang lugar sa Philippines my Philippines!

Maraming ahensiya ng gobyerno ang nakamonitor sa nasabing ruling ng Supreme Court ang ibig sabihin ang sinuman lumabag sa kautusan ng korte ay tiyak na may paglalagyan..

Sabi nga, huhulihin!

SMALL Town Lottery ng PCSO

SANGKATUTAK ang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kumanta regarding sa STL anomaly dyan sa Laguna, Quezon at Tarlac porke niloloko ang gobyerno regarding this operation kasabwat ang tatlong itlog ng Philippine Charity Sweeptakes Office.

Sa Quezon province, ang mag-dyowang Eddie Kabayo at Charing ang siyang komokontrol sa operasyon ng STL malaki ang kubransa nila todits dahil sangkatutak ang mananaya na umaasang manalo pero ang problema ang idinidigang halaga ng kabuuan kubransa sa isang araw ay halos kasing laki lamang ng kulangot.

Marami ang nakikinabang sa STL hindi lamang ang mga mahihirap na natutulungan ng PCSO kundi ang mga local government na sumasakop ng lugar na may legal na pasugal.

Ang Gobernador, Mayor, Congressman, Barangay, konsehal et cetera ay may porsiyento sa STL kahit na papaano.

Ang problema kapag dinaya ng mag-syotang Charing at Eddie Kabayo ang kubransa tiyak ang dalawang ito lamang ang makikinabang.

Halimbawa, sa Quezon province ang kubransa ay P6 million every­day pero ang umano’y idinidiga lamang nila sa PCSO ay P1.5 million lamang kaya nasaan napunta ang P4.5 million?

P4.5 million x 12% sa nakapatong suma total P540,000 sa loob ng 30 days  P162 million ang pinagpapartihan ng mga kamote todits ang natira ay pasok sa bulsa ng mag-dwoyang Charing at Eddie Kabayo.

Sa Laguna, si Mon piesa daw ang involved sa STL kaya marami siyang politikong nabubukulan dahil sa porsiento sa nasabing legal na sugal.

 Ang kubransa sa buong Laguna ay P3 million a day ang sinasabing idinidiga sa PCSO ay P500,000 kada araw. Asan ang natirang kubransa na hindi pinapasok o dinideklara?

Ganito rin ang sistema ni Mon piesa, 12% x P2.5 million ay P300,000 nawawala a day sa PCSO sa loob ng 30 araw x P300,000 ay P9 million sa mga bulsa ng nakapatong ito pumupunta.

Sa Tarlac, isang Bebot rosas daw ang sumisindikato sa STL dyan sa Paniqui, Bamban, Tarlac City, Concepcion, Camiling, Gerona at San Miguel. P5 million ang kubransa katulad sa itaas ang sistema.

Siguro panahon na para magsagawa ng malaliman imbestigasyon ang taga - PCSO dahil malaking pera ang nawawala sa kanila sa nasabing operasyon.

‘May tatlong itlog bang kasabwat sa PCSO?’ tanong ng kotong cop.

“Next time papangalanan natin sila at ang mga LGU’s na nabubukulan sa kani-kanilang lugar’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan!

COUNTRY

EDDIE KABAYO

KAYA

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with