Hinaing ng guards kay Joselito Tambunting
HABANG patuloy sa pagtaas ang petroleum products at bumababa ang peso kontra dolyar, patuloy naman ang paglobo ng mga Pilipinong nagugutom at walang trabaho. Dahil sa pagtaas ng petrolyo, muling ibinalik sa P7.50 ang pamasahe. Habang tumataas ang pamasahe unti-unti namang umaa-ngat ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya marami ang kumakalam ang sikmura. Get mo Madam President? He-he-he!
Hindi naman ito napagtutuunan ng pansin ng mga ibinotong mambabatas dahil ang pinag-uukulan nila ng pansin ay ang pagpapatalsik kay President Arroyo at ang kanilang political career.
Sa mga mambabatas tigilan na muna ninyo ang bangayan, gumawa muna kayo ng hakbang na makalulutas sa paghihirap ng mamamayan.
Siyanga pala, lumapit sa akin ang mga security guard ng Raid Security and Investigation Agency para iparating kay Mr. Joselito Tambunting ang kanilang karaingan.
Ayon sa mga guard, mahigit isang taon na umano silang hindi sumasahod dahil hindi nagbabayad ang kompanya ni Tambunting sa kanilang agency. Maganda naman daw umano noong 2003 hanggang 2006 pero ngayong 2007, nag-iba ang ihip ng hangin.
Pinuntahan ko ang tanggapan ng RSIA sa Pio del Pilar,
May ilang beses na raw nilang pinadalhan ng demand letters ang kompanya ni Tambunting pero pawang pangako ang sagot. “Hindi na namin kayang magbayad ng interest sa banko dahil ang ipinangsasahod namin sa mga guwardyang naka-assign sa kanila ay inuutang lamang namin,” sabi ni Ms. Ramos.
Mr. Tambunting ‘wag mong ilagay sa alanganin ang mga gutom na guwardya at baka magka-war shock ang mga iyan. Bayaran mo ang utang para sa Pasko ay may pagsaluhan naman sila ng kanilang pamilya. Huwag naman po puro pangako.
- Latest
- Trending