Oplan Isnabero, panoorin sa BITAG!

NALALAPIT na ang kapaskuhan at siguradong magi-    ging abala na naman ang ating mga kababayan sa pag­hahanda sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.

Sa mga panahong ito, mapapansin na nagkalat na ang mga Pilipino sa kalsada. Kani-kaniyang biyahe bilang parte ng ating paghahanda sa isang pagdiriwang.

May mga nagki-Christmas shopping na at ang ilang manggagawa ay doble kayod na rin sa kanilang pagta­tra­baho kaya’t inaabot ng gabi sa lansangan sa pago-overtime.

Hindi ba’t kapag nalalapit na ang araw ng pasko ay sumisikip at bumabagal na rin ang daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada sa Pilipinas?

Para sa mga kababayan nating madalas nasa labas ng kanilang bahay, maaaring nagtatrabaho, nag-aaral o  abala na sa pamimili ay ito yung panahon na nakaka­pagpasakit na ng kanilang ulo.

Sa mga panahong ito na kasi, napakahirap na sumakay sa mga pampasaherong sasakyan dahil kung hindi punuan ay ubusan ng mapupuwestuhan.

Naglalabasan na rin ang mga pasaway na pam­pasa­ herong sasakyan na sinasamantala ang presensiya ng maraming  tao na nag-aabang ng sasakyan sa kalsada.

Nangunguna na rito ay ang mga taxi na kung hindi nangongontrata, nagpapatong ng dagdag na pasahe sa kanilang mga pasahero, mga binating-ting na metro at ang huli mga taxing ISNABERO.

Kaya’t hindi pa man nagtatapos ang buwan ng Nob­yembre, sa pinagsanib na puwersa ng BITAG at Land Transportation Office (LTO) ay sinampulan namin ang   ilang pasaway na taxi.

Ang Oplan Isnabero na pinasimulan ng tanggapan ni LTO Chief Reynaldo Berroya laban sa mga pampasa­ herong sasak­yan par­tikular ang taxi na tu­matanggi,  nango­ngon­trata o nang-iisnab ng mga pasahero ay nai­dokumento ng BITAG at mapapanood sa unang pagkakataon sa tele­bis­yon.

Tahi-tahing kasinu­ngalingan, bali-baligtad na dahilan at balu-ba­luktot na rason ang re­aksiyon ng mga driver ng taxing na­ hulog sa aming pati­bong.

Sa pamamagitan   ng mga BITAG undercover na una ng ipina­kalat ng BITAG at isa pang nagpang­­gap na pasahero na task force ng LTO, huling-huli sa aming concealed camera ang mga pasaway na ttsuper ng taxi.

Panoorin ngayong Sa­ bado sa BITAG ang ope­rasyong ito na isina­gawa ng BITAG at LTO. Alamin ang laban sa mga gani­tong engku­wen­tro ninyong mga pasahero!

Show comments