^

PSN Opinyon

Sekretong maitim, bayang malagim

K KA LANG? - Korina Sanchez -

May bagong anggulo sa pagpapakamatay ni Marianeth Amper. At mukhang hindi ito dahil sa labis na kahirapan na dinanas umano ng bata, na siyang isinubo at hinain ng media sa buong bansa. Ayon sa mga resulta ng otopsiya na isinagawa, may mas maitim na dahilan. May mga ebidensi­yang nakita na ang bata ay ginahasa. At hindi kelan lang nangyari, ayon din sa ebidensiya. Mukhang may ilang linggo na ang nakalipas ayon sa paggaling ng mga sugat.

Unang nagpahayag ng duda sa tunay na dahilan ng pagpapakamatay ni Marianeth si Davao Mayor Rodrigo Duterte. Hindi siya naniwalang sanhi ng matinding kahirapan sapagka’t hindi naman sila “ganun kahirap” kung tutuusin. At ayon pa sa mas malalim na imbistigasyon, nagdaing si Marianeth sa mga kaibigan nito na may sekreto daw siya na maaaring maging dahilan ng paghihi­ walay ng kanyang mga magulang. Kapag pinag­sama-sama mo nga naman lahat ito, hindi na mahirap isipin na may nangyaring masama nga sa bata, na hindi niya kinayanang dibdibin mag-isa. Para na rin yung ginawang raid sa Payatas. Lahat ng ebidensiya nandyan na, iyong mastermind na lang ang hindi pa natutukoy. Sa kaso ni Marianeth, miyembro ng pamilya niya ang maaaring salarin.

Agad namang nagpahayag ang ama na wala siyang kinalaman sa nangyari kay Marianeth, at handang makipag-ugnayan ng husto sa mga opisyal. Isang imbistigasyon na naman. Kung meron dapat pagkagastusan ang gobyernong ito, ay ang mga makabagong gamit para sa imbisti­ gador ng krimen tulad ng SOCO. Kadalasan ay simpleng DNA testing lang ang kailangan para malaman kung sino ang mga kriminal. Pero wala pa tayong ganyang kakayahan. Kung meron lang, ang dami na sanang krimen na nalutas na. Imbis na kung saan-saang pagsuhol napupunta ang pera, sana sa pagbili na lang ng mga modernong gamit para sa kapakinabangan ng bayan. Pero ganito ang ugali ng maraming Pilipino, makasarili muna bago ang lahat! Kaya ang ibang bansa, mas maun­lad at nakakapagbigay ng magandang serbisyo at proteksyon sa kanyang mga mama­mayan, kasi maayos ang pagpapatakbo ng gobyerno. Maaaring hindi rin ganun kalinis at walang katiwaliang nangyayari, pero nabibigay naman ang dapat mapunta sa taong-bayan. Ito na rin ang dahilan kung bakit marami na sa ating mga kababayan ang umaalis na ng bansa. Nawawalan na ng pag-asa sa Pilipinas, dahil sa matin­ding katiwalian at maruming pulitiko. Isa lang si Maria­neth sa napa­karaming biktima ng kung ano-anong klaseng krimen. Kailangan na talaga natin ng    isang rebo­lusyong moral, kung gusto talaga nating maging maayos ang ating bayan.

AYON

DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE

KUNG

MARIANETH

MARIANETH AMPER

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with