MABAIT pa rin si Lord sa atin. Sa kabila ng dalawang kaso ng karahasan (Glorietta-2 at Batasan bombing) matatag pa rin ang piso na nasa P43 sa isang dolyar at maganda pa rin ang performance ng stock market. Lalu pa sigurong sisigla ang ekonomiya at mabilis na mararamdaman ng taumbayan ang epekto nito kung wala na ang sobrang pamumulitika at kaso ng karahasan. Anyway, kahit may mga travel advisory ang ilang bansa laban sa pagpunta sa Pilipinas, hindi pa rin maawat ang mga dayuhang turista sa pagpasyal sa Pilipinas. God’s grace ito.
Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), lalu pang daragsa sa bansa ang mga turista dahil sa katatapos na 2007 World Pool Championship na nagbigay karangalan sa Pilipinas matapos pumanga- lawa sa kampeonato kasunod lang ng bansang Inglatera. PAGCOR ang pangunahing sponsor ng torneo. Ayon kay PAGCOR Chair Efraim Genuino, positibo ang ipinakitang imahe ng Pilipinas sa mga dumagsa sa bansa para saksihan ang prestihiyosong palaro. Sana’y magdilang anghel si Mr. Genuino.
Nabigo man tayong makuha ang pang-unang pu-westo sa torneo, nakatulong nang malaki ang WPC sa pagbibigay ng positive exposure sa Pilipinas before the eyes of the world. In this premise, umaasa si Genuino na patuloy pang daragsa ang mga dayuhang turista sa bansa.
More power to PAGCOR and its effort to put up great tourism facilities sa bansa para makaakit ng mga dayuhang gagastos ng dolyares sa Pilipinas and effectively boost our economy. Ang pinakakaasam-asam ko ay ang kumplisyon ng Entertainment City na tataguriang Bagong Nayong Pilipino na natalakay na natin kamakailan. Bukod sa dolyares na maipagkakaloob ng proyekto, excited din tayo sa laksa-laksang trabahong maibibigay ng proyekto para sa ating mga kababayan.