^

PSN Opinyon

Mga Kristiyanong naligaw ng landas

- Al G. Pedroche -

“IF only my people who are called by my name shall humble themselves, seek my face repent and turn away from their wicked ways, then I will hear from heaven and heal their land.”  — 2 CHRONICLE 7:14

Mas mabigat ang parusa sa mga Kristiyanong hindi tumatalima sa paggiya ng Panginoong Diyos. Huwag nating ipagtaka kung bakit may ibang bansa na napa­kaunlad gayung hindi naman Kristiyano. Precisely. Hindi sila Kristiyano at hindi alam ang aral ng Kristianismo kaya wala silang nilalabag na utos ng Diyos. Ayokong magtu-nog “preacher” pero sinimulan ko ang kolum na ito sa pamamagitan ng talata sa Biblia dahil  sa desperadong kondisyon ng ating bansa. Marami ang naghihirap, talamak ang krimen at parang napakalayo ng Diyos sa atin. Tila hindi na siya dumirinig sa ating mga panalangin. Kamakailan, isang batang babae mula sa Davao ang nagpakamatay dahil sa labis na kahirapan.

Pansinin ang simula ng ating Bible verse: “If only my people” na ang ibig sabihin, tayo. Tayong mga Kristi­yano na  “people of God” ay kailangang magpakumbaba at magbalik-loob sa Diyos nang may pagsisisi para maka­tikim ng pagpapala at bendisyon para sa ating bansa. Supposedly, ang Pilipinas ang “tanging” Kristiyanong bansa  sa Asia. Pero tingnan ang Japan na ang sinasamba ng mga tao ay ang kanilang mga ninuno. Napakaunlad at isang economic power. Tingnan ang China na isang bansang Marxist pero kinatatakutan pati ng Amerika dahil sa mabilis na pag-asenso. Maituturing na ang China bilang isang military and economic power sa daigdig.

Kristiyanong bansa rin ang Amerika pero masdan ang unti-unting  pagsadsad ng ekonomiya nito. Tuwang-tuwa ang  Pilipinas sa inaakalang paglakas ng ating piso pero sa totoo lang, ang dolyar ang bumabagsak ang halaga. Ang Amerika ay isa ring Kristiyanong napariwara at tumalikod sa Diyos na nangangailangan ng pakikipag­kasundo sa Maykapal.

Huwag nang sisihin ang mga opisyal na nagpapalakad ng bansa. Tingnan ang ating mga sarili introspectively and perhaps we will realize how far we have strayed away from God.  Gusto natin ang pagpapala ng Diyos, puwes magbalik loob tayo sa Kanya.

AMERIKA

ANG AMERIKA

DIYOS

HUWAG

KRISTIYANO

KRISTIYANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with