^

PSN Opinyon

Humingi muna ng permiso sa hindi ninyo pag-aari!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ANG BITAG ay isinilang sa larangan ng serbisyo publiko at hindi kaila sa lahat ang panganib ng aming trabaho.

Subalit hindi ko itinatag ang BITAG upang magkaroon ng fans club o maging iconic sa publiko.

Lugod kaming nagpapasalamat sa mga taong sumu­suporta at tumatangkilik sa programang BITAG.

Batid ng aming grupo na ang ilan ay nagagalit sa aming ginagawa dahil wala talaga kaming sinasanto at pinipili sa mga reklamong inilalapit sa amin.

At kung may ilang nagagalit, marami naman din ang natutuwa at humahanga sa aming ginagawa. Subalit hindi ito dahilan upang gawin ang isang bagay na lingid sa aming kaalaman o walang permiso ng BITAG.

Isa na rito ay ang ginagawang pag-exhibit o pag-a-upload ng segments ng BITAG ni Marikinadono sa internet, partikular sa YOUTUBE.

Maaring maganda ang hangarin ng grupo ni Mariki­nadono sa pag-post ng aming mga segment ng BITAG sa YOUTUBE subalit bilang respeto sa may likha ng BITAG, humingi muna sana sila ng permiso.

Hindi naman namin ipagdadamot ang mga BITAG   segments dahil alam naming maraming tatangkilik nitong mga kababayan nating nasa ibang bansa.

Bilang courtesy nararapat na nakipag- ugnayan muna siya sa aming opisina upang ipaalam sa amin at ng mapag-usapan din ang maaring kasunduan sa pagitan ng kanilang grupo at ng BITAG…

Maaaring simple at mababaw lang ito para sa iba, pero para sa lumikha at bumubuo ng BITAG, isa itong seryo­song usapin na hindi dapat palampasin.

Nakaaalarma kung paano at saan nila nakukuha ang mga videos hindi lamang ng BITAG maging ng ibang programa ng malalaking TV Station. Nailalagay ito sa YOUTUBE ng walang logo istasyong pinangga­ lingan nito.

Hindi madali ang mag-produce ng ganitong kla­ seng mga segment, pi­nag­hirapan, ginugulan ito ng panahon at pagod ng buong grupo ng BITAG kaya’t hindi ito puwedeng kasangka­panin ng iba upang paki­nabangan.

Malinaw na nakasaad sa Intellectual Property Rights na walang sinu­man ang maaring guma­mit, mag-reproduce at mag-exhibit ng mga likha ng tao ng walang kauku­lang permiso mula sa mga ito.

Nagpapaalala lamang ang BITAG at diretsahan naming ipinaaalam kay MARIKINADONO at sa iba pang gumagawa ng ganitong paglabag.

Kung nagagawa ng ilan na bastarduhin, naka­win o i-upload ang mga videos, segments o episodes ang mga programa mula sa ibang istasyon ng tele­ bisyon ng walang paa­lam, ‘wag ninyong gawin ito sa BITAG.

Huwag din sanang umabot pa sa puntong hahabulin pa namin kayo kung patuloy nyo kaming babalewalain.

Kung talagang malinis ang inyong intensyon ay maaari kayong personal na makipag-ugnayan sa tanggapan ng BITAG.

AMING

BITAG

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with