^

PSN Opinyon

Huwag agad iparada sa publiko ang mga suspek

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG mga suspek sa krimen, kapag inaaresto, ay hindi dapat ipinaparada agad ng mga awttoridad sa publiko dahil ito ay labag sa karapatang pantao. Nagdudulot din ito ng grabeng kahihiyan sa kanila at ganun din sa kanilang pamilya.

Ito ang buod ng Senate Joint Resolution No. 4 na pangunahing iniakda ng aming panganay na anak ni President Erap na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada at pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Jinggoy, maraming suspek na ni hindi pa nasasampahan ng kaso sa hukuman pero ipinaparada na sa mga press conference ng mga awtoridad dahil sa pagnanais nilang maiulat sa publiko na mabilis nare­resolba ang mga krimen.

Inaatasan sa resolusyon ang Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa law enforcement at peace and order na maglabas ng patakaran at regulasyon hinggil sa pagprisinta ng mga suspek sa media.

Ipinaalala ni Jinggoy ang nakasaad sa ating Konsti­tusyon na ang sinumang pinaghihinalaan sa krimen, hangga’t hindi pa napatutunayan ng korte na talagang siya ang may kasalanan, ay dapat pa ring ituring na inosente sa ibinibintang sa kanya.

Base sa resolusyon, ang puwede lang na isapubliko agad ang larawan at pagkakakilanlan ay yaong mga suspek na mayroon nang warrant of arrest at mga “at large” pa, kaya kailangan itong ilathala upang ang mga ma­mamayan ay makapag-ingat o kaya naman ay maka­ tulong para ma­aresto ang suspek.

Sa pamamagitan ng resolusyon ni Jinggoy, ma­ibabalanse ang ka­rapatan ng publiko sa impormasyon tung­kol sa mga krimen na naga­ganap sa lipunan, kasa­bay ng proteksyon sa mga karapatan ng mga pinagbibintangan sa krimen.

* * *

Para sa mga kaba­bayan nating nagha­ha­nap ng serbisyo pub­liko, maaari kayong lu­miham sa opisina ng aking anak na si Se­nate Pre­sident Pro Tem­pore Jinggoy Ejer­cito Estrada sa Room 602, Senate of the Phi­lippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpa­umanhin ninyo at hindi po matu­tugunan ang mga soli­citation letter.

DEPARTMENT OF JUSTICE

JINGGOY

JINGGOY EJER

JINGGOY ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with