NBI Atty. Esmeralda, read this!

MUKHANG hindi alam ni Esme, tawag sa kanya ng mga malalapit niyang friend na gasgas na gasgas ang pangalan niya at ng NBI porke ipinakokolekta pala siya ng isang gagong may alyas na Rod Rodriguez sa mga gambling lords.

From Region 1 to 5 including National Capital Region dahil si Rod Rodriguez daw ang binigyan basbas ni Esme para mangolekta from all source ng illegal gambling.

Sabi nga, mula jueteng hanggang sugal lupa.

Basta abot ni Rod Rodriguez tiyak bibigay ang mga gambling lords dahil panakot nito bata siya ng NBI. Tama ba, Oggie?

Nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na walang alam at hindi totoong nagpapakolekta ang NBI sa mga gambling lords.

Kaya Oggie este Rod Rodriguez pala mag-iingat ka baka masalubong ka ni Esme masabunutan ka niya. Hehehe!

Abangan.

Awayan pulitika, nakakabanas na

DAPAT tapusin na ang bangayan sa politika dahil ang madlang people ang apektado sa walang katapusan kamotehan ng politics.

Sabi nga, finish or not finish ayusin na!

Hindi kinakampihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Pa­ ngulong Gloria Macapagal Arroyo o si House Speaker Jose de Venecia o anak nitong si Joey echeter dahil may matitinding issues ng corruption. Totoo man o hindi dalhin na lamang ito sa tamang forum.

Ika nga, korte!

Dahil dito, rin naman ang punta nito.  Tama ba kamote.

Matindi ang kaso ng kurapsyon regarding sa US$329 million ZTE National boardwalk este mali Broadband deal pala, ang umano’ sulsulan este suhulan, ang cyber networking ng DepED ay naaalog din sa kontrobersyal at marami pang iba.

Tanong may nagawa ba ang mga politiko ngayon sa tumataas na bilihin?

Sagot - wala hindi ba dahil masiado silang busy sa ginagawang pagdinig tungkol sa mga sinasabing anomalyang pinaguusapan nila ngayon.

Paano ang madlang people?

Tiyak gutom ang aabutin nila sa mga darating na days.

Sabi nga, numbered game este days are numbered pala.

Matindi ang impact ng pagtaas ng gasolina sa buong mundo pero hindi natin sinasabi ang mga politiko ang may sala siempre alam natin na alaws silang magagawa todits dahil global ang problem.

Anong tulong ang magagawa ng politiko para sa ma-e-erap? Puro bungangaan lang ba?

Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin siguro dapat ng umpisahan ng mga politiko ang tulong na dapat gawin sa mamamayan pinoy.

Kailan pa tayo kikilos kung patay na ang damo este kabayo pala kaya habang maaga pa at malayo pa ang pasko dapat kumilos na tayo sa gobierno.

Dapat sigurong pagusapan ang kahirapan, basura at huwag puro politika.

Naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na may mga kurapsyon nangyayari sa gobierno kaya dapat managot ang mga hunghang na may mga kasalanan pero sana huwag natin sayangin sa puro daldal ang problema.

Sabi nga, aksyon ang kailangan!

Walang mangyayari sa bayan mahahati ang madlang people kung hindi natin tatapusin ang pamomolitika.

Sangkatutak na mahihirap ang umaasa sa gobierno na tulungan sila o matulungan sa kanilang mabigat na problema.

Kailangan pa ba natin magpakamatay ang mga ito para umaksyon ang mga politiko at gobierno.

Bilib tayo kay dating Prez Erap Estrada at maging si Prez GMA dahil hindi sila napapagod sa pagtulong sa mga ma-e-erap.

Sabi nga, tulong dito, tulong doon, isip dito, isip doon!

Ang ginagawang imbestigasyon ng mga politiko sa mga kamoteng may problema sa Pinas ay dapat lang para sila magbayad sa mga kasalanan ginawa nila sa bayan.

Kaya lang dapat naman siguro huwag nilang sayangin ang oras nila para dito kung ma ebidensiya sa Supreme Court nila ito itapon.

Ang Korte Suprema kasi ang may last say! Tama ba?

Kaya naman may problema ang mga mambabatas ngayon.

Sabi nga, paramihan system!

Ika nga, kung sino ang mas nakakarami sila ang nanalo ? Hehehe!

Naku ha!

Gusto ng magbigti ni Juan dela Cruz dahil walang tigil ang pagtaas ng presyo mula oil up to  basic commodities.

Sabi nga, hilahod na tayo!

Bumulusok ang crude prices  sa world market US$98.00 per barrel kaya hintayin pa rin natin ang mangyayari sa Enero mukhang aakyat pa ito ng US$4.00 per liter.

Lord, help us!

‘Dapat sigurong magkaisa muna ang madlang people’ anang kuwagong hilong-talilong.

“Sana tapusin na ang bangayan sa politics at intindihin ang problema ng bayan sa pagtaas ng presyo’ sabi ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

‘May malaking problema?’

‘Ano?’

“Paano ang 2010 Presidential Election?”

‘Kamote, yon lang!’

Show comments