^

PSN Opinyon

Nasabon ka ba Supt. Antonio Militar at ako ang pinagbabalingan mo?

- Bening Batuigas -

INULAN ako ng text messages at tawag sa telepono matapos kong isulat ang kutsabahan ng ilang opisyal ng Manila Police District Abad Santos Police Station at ng big time drug dealer na si Ricardo Saavedra, alias “Ric Taga” ng Hermosa, Tondo, Manila. 

Habang nagpapalamig-lamig si “Ric Taga” sa Subic at Antipolo ay nagkakagulo naman ang ilang opisyal na nakina­bang sa masamang negosyong ikinalat niya sa tinaguriang “airport”. Halos masuka ang ilang kabaro nila nang malamang pati droga ay pinatulan ng mga ito, he-he-he! Nasikmura nilang ipakain sa pamilya ang salaping galing sa kasamaan.

Maraming residente ang nagpasalamat sa akin mata­pos na isulat ang narinig sa isang voice recorder. Abot langit ang kanilang paghanga kay “Police Major” na tumanggi sa alok na salapi ng sindikato at sa katapangan na mailahad sa kanyang amo ang mga kabaro niyang pasok sa payola.

Sabi ng aking mga nakausap, kung ang lahat ng opisyal sa hanay ng kapulisan ang magiging katulad ni “Major” makakatiyak ang mamamayan na masasawata na ang pamamayagpag ng mga salot sa lipunan.

At habang masusing  pinaiimbestigahan ni MPD chief Gen. Boysie Rosales ang mga opisyal na nabanggit, umuusok naman ang ilong ni Supt. Antonio Militar, hepe ng Abad Santos Police Station. Kinumpronta ako ni Militar sa lobby ng MPD headquarters noong Huwebes ng umaga. Ayon kay Militar masyado ko naman daw siyang pinipersonal.

Di ko maisip kung paano ko siya pinersonal sa gayon hindi ko naman binanggit ang kanyang pangalan at maging ang mga opisyal na pinangalanan ni “Major” sa aking column. Get n’yo mga suki? He-he-he!

Mukhang nasabon si Militar, kaya ako ang kanyang pinag­balingan, he-he-he! At ayon pa sa aking espiya, binigyan  umano ng isang linggong palugit ni Rosales si Militar para hulihin si “Ric Taga”. Kapag hindi raw nagawang hulihin, masi­sibak si Militar sa puwesto.

Ito na marahil ang magiging daan ng malawakang balasahan sa mga opisyales ng presinto sa may 11 station ng MPD. Tapos na ang isang buwang palugit na ipi­nataw ni Rosales sa kanyang mga opisyales kaya sa a-kinse ng bu­wang ito ay makikita na ang pagbabago.

At habang papala-pit na ang delubyong bala­sahan sa MPD ay abala naman ang ilang opisyal sa paghahanap ng ka­nilang mga pad­rino. Kapansin-pansin na halos wala tayong mga pulis na makikita sa mga lansangan. Sayang lang ang tilam­sik ng laway ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Avelino Razon sa kan­yang programang  Police Visibility.

Dahil halos walang pulis na nakikita sa   mga lansangan, laga­nap pa rin ang holda­pan sa mga pampa­saherong sasak­yan. Laganap din ang ben­tahan ng shabu sa ba­ wat sulok ng May­nila.

Ayon sa aking mga es­ piya, pawang mga “Biya­hero” lamang ang mga hinuhuli ng mga pulis na madali nilang pa­tugain at huthutan ng sa­lapi kaya’t hayon pa­ tuloy ang mga pu­sher’s    sa kanilang negosyo.

Abangan ang pag­ba­bago.

RIC TAGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with