Pumapalag na si Erap

NAGALIT si dating President Erap sa ipinalabas na forfeiture order ng Sandiganbayan para bawiin ang mga nakaw na yaman niya. Kabilang sa babawiin ng gobyerno ay ang P549 million sa Erap Muslim Foundation, P189 million sa Jose Velarde account at ang Boracay mansion. Binigyan ng limang araw si Erap para bayaran ang P5 milyong penalty, kung hindi, kukumpiskahin ang resthouse niya sa Tanay at ang kanyang bahay sa San Juan.

Ano na namang drama ito ni Erap? Di ba nahatulan na siya at kasama sa parusa sa kanya ay ang pagkumpiska ng mga salapi at ari-arian na napatunayan ng Sandigan­bayan na parte ng mga nakaw na yaman?

Bakit sa reaksyon ni Erap, mukhang hindi ganito ang naging desisyon ng anti-graft court?

At ano itong sinasabi ni Atty. Edward Serapio na hindi raw dapat habulin ng Sandiganbayan ang mga ari-arian ni Erap na binabanggit ng korte sapagkat personal daw na ari-arian ito ng dating Presidente.

Ipinagdiinan pa ng mga abogado ni Erap na ipaglalaban daw nila ito sa mataas na hukuman.

Ano ba ito? Puwede bang liwanaging mabuti ng San­diganbayan ang tungkol dito. Hindi maganda ang nang­yayaring ito. Lumalabas na hindi maliwanag ang naging hatol ng Sandiganbayan hinggil sa pagbawi ng nakaw na yaman.

Maliwanag na nahatulan si Erap dahil sa panda­ram­bong di ba? Kung ganoon, mayroon siyang kinulimbat na pera at ari-arian. Paulit-ulit na itong tinalakay ng mga prosecutors at defense lawyers ni Erap.

Bakit ngayon ay itinatanggi ang mga ito ni Erap na parang bagumbago sa kanya?

Show comments