^

PSN Opinyon

JDV: Pork barrel linisin mo na

SAPOL - Jarius Bondoc -

BATID ni Speaker Jose de Venecia Jr. na bahagi siya ng problemang dumi sa gobyerno. Kaya nang hikayatin niya si President Arroyo na mamuno sa “moral revolution,” nangako siyang maglilinis din ng pork barrel sa Kongreso. Kaso mo, dinedma lang siya ni Arroyo. Ipinabatid nito ang tingin niya sa panukala ni De Venecia nang bulyawan niya ito sa isang pulong para pagbatiin sila. Tapos, nag-press statement ang Malacañang na dapat ay si De Venecia — dahil sa kanyang mas mababang ranggo sa gobyerno at partidong Lakas — ang sumunod sa programa ni Arroyo. At binalewala pa ni Arroyo ang sunud-sunod na insidente ng panunuhol na nagpagalit sa madla na ikinabahala ni De Venecia.

Ngayong mag-isa siya sa pagrereporma, nagdadalawang-isip si De Venecia. Nu’ng una, sabi niya’y pipilitin niya ang mga kongresista na mag-line item disclosure ng pork barrel. Ibig sabihin, sa taunang pagba-budget pa lang ng bansa, ililista na ang mga proyektong gagastahan nang tig-P70 milyon ng mga kongresista (at tig-P200 milyon kada senador). Ngayon, dahil inisnab at inismiran siya ni Arroyo, bumabaliktad na si De Venecia. Sabi niya, huli na raw repormahin ang pork barrel dahil naipasa na ng Kamara ang 2008 budget. Kumbaga, saka na lang ito lilinisin — sa isang taon kaya, kung may makaalala.

Kung tutuusin, kung nais talaga ni De Venecia, kaya pa niya gawing transparent agad ang pork barrel ngayon din. Bilang Speaker, maari siya maglatag ng bagong guidelines sa pag-release at paggasta nito. Una na, dapat lahat ay bigyan, maka-administrasyon man o maka-oposisyon na nagbabalak i-impeach si Arroyo. Ikalawa, igiit niya na idetalye lahat ng specifications ng bibilhing mteryales o ipapagawang infrastructures sa pork barrel. Ipapaskel niya ito sa ilalim ng Electronic Procurement Law, para masuri ng kahit sino. Sa ganu’ng paraan, dahil sa higpit ng pre- at post-audit, mawawalan ng gana ang mga mambabatas na kumikbak mula sa P70 milyon. Ibabalik na nila sa ehekutibo ang pagpapatupad ng mga proyekto, basta nakadikit dito ang mga pangalan nila.

ARROYO

BILANG SPEAKER

DE VENECIA

ELECTRONIC PROCUREMENT LAW

IBABALIK

NIYA

PRESIDENT ARROYO

SPEAKER JOSE

VENECIA

VENECIA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with