Impeach GMA; palitan si JDV
IYAN ang mga pinangangambahang scenario na ma aaring maganap ngayon sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso. Pero ayon kay majority leader Art Defensor, nagkasundo na ang Pangulo at Speaker na panatilihin ang alyansa sa Kamara de Representante para maisulong ang mga programa sa pagpapaunlad ng bansa. Harinawang totoo. Damdam ko’y naggigirian lang ang dalawa but political peace is far from achieved.
Siniguro ni Rep. Defensor na kung magpapasok ng inamyendahang impeachment complaint ang oposisyon para palakasin ang naunang iniharap ng abogadong si Roel Polido, hindi na ito tatanggapin ng justice committee. Tila iyan ang settlement na narating ng mga kampo nina GMA at JDV sa kanilang pag-uusap sa Malacañang. Hanggang kailan mapapanatili ang pagkakaisang ito? Iyan ang million dollar question. It seems the opposition is excited about the impending split of GMA and JDV na nagsimulang mamuo sapul pa nang mag-eksposey si Joey de Venecia III (anak ni Speaker) tungkol sa NBN-ZTE scam.
Mismong si dating Presidente Joseph Estrada ang nag-iimbita kay Speaker Jose de Venecia na sumapi sa oposisyon sakaling tuluyang makipagkalas ang una sa administrasyong Arroyo. Sa ngayon, tila naghihintay na lamang ng oras si JDV sa puwesto niya bilang speaker dahil doble-kayod na raw ang mga administration Solons sa Kamara de Representante para mapatalsik siya sa pagka-speaker.
Obviously, all efforts of politicians holding power lean towards mustering enough power to notch victory in the 2010 polls. Kumontra man tayo ng kumontra sa maagang pamumulitika, tila wala na tayong magagawa. That’s the nature of politics specially in our beloved country -alas!
* * *
Calling all Christians. May prayer gathering na itinataguyod ang Intercessors for the Philippines (Nov. 6-8) sa San Juan Arena sa San Juan City ngayong 1:00 pm hanggang 9 pm at ang pangunahing tagapagsalita ay ang kilalang propeta mula sa Ghana na si Abu Baku. Come and be blest! Tumawag sa 5335166 hanggang 83 at hanapin si April o Jasmine.
- Latest
- Trending