Serbisyo-publiko ni ‘Citizen Erap’
HINDI na interesado si President Erap na humawak pa ng anumang posisyon sa pamahalaan, pero desidido siyang magpatuloy sa pagbibigay ng serbisyo-publiko kahit bilang isang ordinaryong mamamayan na lang.
Wala ring iniaalok na posisyon ang Malacañang sa aking asawa, at wala ring balak si President Erap na tumanggap pa ito ng puwesto ngayon sa gobyerno.
Gayunpaman, desidido si President Erap na ipagpatuloy ang pagtulong sa ating mga kababayan, laluna sa mga kapus-palad at mga naghihirap. Ilan sa mga posible niya raw gawin ay ang pagbibigay-ayuda sa pagsusulong ng kaseguruhan sa pagkain ng mga pamilyang Pilipino.
Nabalitaan niya ang resulta ng mga survey at pag- aaral tungkol sa dami ng mga kababayan natin na nakara-nas ng gutom dahil wala silang pambili ng pagkain, gayun-din ‘yung mga kulang sa nutrisyon laluna ang mga bata.
Itong magkakambal na problema ng kagutuman at malnutrisyon ay dapat nating pagtulung-tulungang solusyunan. Kailangan dito ng kontribusyon ng lahat ng sektor. Ang pagresolba sa problema sa kagutuman at malnutrisyon ay dapat nating ituring bilang malaking hamon sa ating lahat.
Noong nasa Tanay, Rizal si President Erap ay nagta-nim siya ng mga gulay at nag-alaga ng mga hayop kaya’t lalo niyang nakita ang kahalagahan ng pagkilos sa sektor ng agrikultura. Napatunayan din niya na may sapat na kakayahan ang ating bansa para magkaroon ng sapat na masustansyang pagkain para sa lahat.
Kung makapagpapatupad lang tayo ng sistematiko at komprehensibong programa para sa pagkain ay tiyak na walang Pilipino na magugutom at magkukulang sa nutrisyon sa ating bansa, laluna’t ang Pilipinas ay biniya-yaan ng ating Panginoon ng masaganang likas na yaman.
Sa ganitong larangan, handa si President Erap na magserbisyo-publiko kahit bilang “Citizen Erap.”
* * *
Para sa mga kababayan nating naghahanap ng serbisyo publiko, maaari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Se-nate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin ninyo at hindi po matutugunan ang mga solicitation letter.
- Latest
- Trending