^

PSN Opinyon

Undas

- Al G. Pedroche -

ALL roads lead to a “dead end” today. Ibig kong sabihin, sementeryo o libingan ng ating mga yumao. Ancient Christian tradition ito pero tayo lang sigurong mga Pili­ pino ang may higit na pagpapahalaga sa All Saints Day. May ibang pamilya na bisperas pa lang ay nasa sementeryo na, hanggang kinabukasan upang gugulin ang buong araw sa tabi ng puntod ng yumaong kaanak. Kaya naman nagiging beehive of business activities ang mga sementeryo para sa mga enterprising nating kababayan.

Sa ibang bansa, mag-aalay lang ng bulaklak sa puntod ng kanilang mga departed loved ones ang mga tao, mag-uukol ng maikling panalangin at aalis na. Tayo, ginagawa nating piknikan ang sementeryo sa araw na ito. Tra­ disyong Pinoy pero okay lang. Nagsisilbi kasing reunion ito para sa lumawak na’ng pamilya ng isang yumao. Iyan lang ang nakikita kong importansya ng okasyong ito bukod sa pag-alaala sa ating mga yumao.

Pero ang pagtitirik ng kandila at pag-aalay ng bulaklak at panalangin is something that we must give a second thought to.  Ano ba ang pakay natin? To please our departed?  Wala na. Hindi na niya malalanghap ang samyo ng bulaklak na ating iniaalay. Biblically speaking, wala nang malay ang isang patay. Bubuhayin lang siyang muli ng Diyos sa judgment day at doon magkakaalaman kung saan patutungo ang kanyang kaluluwa. Kaya habang nabubuhay pa ang ating mga magulang o sino mang kaanak, ipadama na natin ang ating pag-ibig sa kanila. Habang buhay pa, magmahalan na tayo at kung may mga di pagkakaunawaan, daanin sa dayalogo and patch up our differences.

Ang dahilan kung bakit lipos ng kaguluhan ang ating lipunan ay dahil sa kawalan ng pag-ibig sa kapwa. Kung sa sarili nating kaanak ay hirap tayong magmahal, paano pa natin mamahalin ang iba?

ALL SAINTS DAY

ANCIENT CHRISTIAN

ANO

ATING

BUBUHAYIN

DIYOS

HABANG

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with