HARINAWANG maisa-isantabi na ang sobrang pamumulitika na sagabal sa pag-unlad ng bansa, sabi ng barbero kong si Mang Gustin. Oo nga naman. Kay daming mahihirap na mamamayang nangangailangan ng ayuda ng gobyerno at sa gawaing ito’y kailangan ang kooperasyon ng lahat.
Halimbawa, ang health services ay lubhang kailangan ng mga pobreng kababayan natin lalu na sa panahong sobra ang taas ng presyo ng gamot at serbisyo ng mga doctor. Kaya mayroong PGMA Caravan, isang proyek-tong inaabot ang mga mahihirap na mamamayan sa mga lalawigan. Ang PAGCOR ang nasa timon programa na nagsasagawa ng mga medical mission sa kapaka- nan ng mga mararalita.
Kamakailan ay nagsagawa ang programa ng surgical mission sa Masbate upang tulungan ang mga pasyenteng may myoma, hernia, catarac, cyst, club foot at cleft palate. Kabuuang 704 pasyente ang nakinabang.
Karaniwang magastos ang ganitong mga medical procedures at hindi kaya ng lukbutan ng mga mahihirap na mamamayan. Ayon kay PAGCOR Chair Efraim Genuino, ang PGMA Caravan ay paraan ni Presidente Arroyo upang masilbihan ang mga mamamayang walang panus tos sa ganyang magastos na operasyon.
Kasama rin sa mga ahensyang nagbabalikatan sa programa ang Department of Health, Philippine Academy of Medical Specialists, Philippine Charity Sweepstakes Office at mga local na pamahalaan. In the case of Masbate, aktibo ring gumalaw ang panlalawigang pamahalaan sa pangunguna ni Gov. Elisa Olga Kho.