Para sa mga sanggano’t bruskong taxi driver!
DUMADAMI na ang mga reklamong aming natatanggap hinggil sa pangongontrata at pamimili ng mga kolokoy na tsuper ng taxi sa kamaynilaan.
Tiba-tiba na naman ang mga tsuper ng taxi dahil sunud sunod na ang mga non-working holidays ngayong mga nalalabing araw ng Oktubre hanggang sa pagpasok ng Nobyembre.
Marami tayong mga kababayan na ngayon pa lang ay naglalabasan na at ginagawa na ang kanilang pamimili kung saan-saan.
Wala namang masama kung kumita ang mga tsuper ng taxi sa tamang paraan lang. Huwag na huwag lang silang magsamantala ng mga pasahero.
Alam namin na dumadami na ang bilang ng mga sangganong taxi driver sa lansangan na hindi pa nakakahanap ng kanilang katapat.
Kaya naman pinagdarasal namin na
Kung kayo’y nakaranas na ng pambabastos ng mga abusadong tsuper ng taxi, maiintindihan niyo ang lengguwahe kong ito.
Sakaling makaengkuwentro kayo ng mga namimili o di kaya nangongontrata kabilang na rito ang pananakot, huwag na huwag makipagtalo.
Isulat ang pangalan ng taxi at ang plate number nito na makikita sa loob ng taxi. Tandaan laging mapagmasid at laging alerto kapag kayo ay sasakay ng taxi.
Para sa mga mabibiktima ng mga abusadong taxi driver, isumbong agad sa BITAG. Agarang makikipagtulungan sa amin ang Land Transportation Office o LTO.
Hindi lahat na mga taxi driver ay abusado at mapagsamantala. Hindi marunong magbiro ang BITAG, alam naming ay GAWA, hin-di NGAWA.
- Latest
- Trending