Tama na ang bayarang testigo
MAY eksposey si Rep. Monico Puentebella tungkol sa isang bogus na testigo na binayaran umano ng isang anti-GMA Solon ng P5 milyon para tumestigo laban kay Presidente Arroyo sa kontrobersyal na ZTE-NBN deal. Nakuha raw ni Puentebella ang impormasyon mula sa kanyang reliable sources.
Umpisa na naman ngayon ng pagsisiyasat ng Senado sa ZTE-National Broadband Project. Wala tayong tutol sa pagsisiyasat kung may mabuting layunin. Pero tama na
Ang anti-GMA Solon, ani Puentebella ay kilalang-kilala sa pagpapalutang ng mga “bayarang testigo” sa mga congressional hearings. Madalas umano itong tuligsain ng kapwa mambabatas dahil sa kanyang “leading questions” sa mga testigo. Ang “handler” daw ng taong ito’y dating kasapi sa “midnight cabinet” ni ex-President Estrada.
“This is a grand conspiracy whose progeny can easily be traced by just looking at those pulling this guy’s string” anang Kongresistang senior vice chairman ng House transportation committee. Kahit ibinasura na ng Pangulo ang kontrata sa ZTE, the issue still probably merits a serious probe. Pero sana huwag haluan ng pekeng testimonya ang imbestigasyon para maging kapani-paniwala.
Sabi ni Puentebella, ang testigo ay nauna nang inimbestigahan ng Ombudsman at tinanggal bilang opisyal ng Telepono sa Barangay (TSB) project noong 2001 dahil sa maanomalyang transaksyon. Siniyasat din umano ng Senado ang taong ito kaugnay sa Philippine Communications Clearinghouse Inc. scam. Ang “testigo” ay dating empleyado ng Arescom at ng ZTE Corp. ng China, ngunit sinibak dahil nagli-leak daw sa Amsterdam Holdings Inc. (AHI) ng detalye ng NBN proposal ng ZTE. Ang AHI ay ang korporasyon ng “whistle blower” na si Joey de Venecia, anak ni Speaker Jose de Venecia.
In view of all these, nananalig ako sa wisdom ng Senado na kilanlin ang isang tainted witness sa hindi.
- Latest
- Trending