HANEP talaga ang galing ng kukote nitong may pakana sa likod ng paggamit ng mga vendors bilang anti-crime watchdog ng Manila Police District.
Binansagang “vendor na, bantay pa.” 5000 vendors daw gagamitin bilang mga volunteer laban sa kriminalidad.
Ang sinumang nasa likod ng “pautot” na ito na may kasamang ipot, sige, lokohin ninyo ang lelong niyong panot!
Kawawang Manila Police District Chief Superintendent Roberto Rosales, ngayon pa lang gusto na naming ipaalam sa iyo, “Chief, please, don’t be the last to know… I know that you weren’t born yesterday.”
Tsk.. tsk.. tsk.. mga pobreng vendor gagawing mga tiktik at tatayong testigo sa anumang mga krimen sa lugar na kanilang pinagbebentahan.
Alam ng mga vendor, ganito ang tunay na layunin, “vendor na, bantay pa. Basta’t lagay ka, tuluy-tuloy ang iyong pagbebenta. Kapag tumigil ka sa pagbibigay ng lagay, Malilintikan ka!”
Itanong mo man kay Rey Nicolas ng Task Force Quiapo at maging kay Chief Superintendent Romulo Sapitula, at sa iba pang nakakaalam nito, tiyak mahihiya sila kapag nabasa nila ang kolum kong ito.
Balik na naman ang maliligayang araw ng mga kotongero. Magiging madali na ngayon ang koleksyon ng kotong. May sapat na dahilan na sila para itaas ang singil ng kotong.
Nabago na ngayon ang sistema. ID system! Lahat ng mga vendor kinakailangang may ID na pirmado ng bawat Station Commander sa kanilang nasasakupan.
Ika nga, “Cooperate or else evaporate” sa puwestong inyong pinagbebentahan. Ang ibig sabihin, kung gusto mong magbenta, makisama ka, kung hindi, layas ka!!!
Narito ang mga sumusunod na hotspots na kung saan lalaganap ang kotong: Quiapo, Blumentritt, Avenida, CM Recto at Sta. Cruz area.
Salamat sa “vendor na, bantay pa,” panibagong kalbaryo sa miserableng buhay ng mga pobreng vendor sa Maynila.
Abangan!