^

PSN Opinyon

Para kay MPD District Director! (vendor na, bantay pa!)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HANEP talaga ang galing ng kukote nitong may pakana sa likod ng paggamit ng mga vendors bilang anti-crime watchdog ng Manila Police District.

Binansagang “vendor na, bantay pa.” 5000 vendors daw gagamitin bilang mga volunteer laban sa kriminalidad.

Ang sinumang nasa likod ng “pautot” na ito na may kasamang ipot, sige, lokohin ninyo ang lelong niyong panot!

Kawawang Manila Police District Chief Superintendent Roberto Rosales, ngayon pa lang gusto na naming ipaalam sa iyo, “Chief, please, don’t be the last to know… I know that you weren’t born yesterday.”

Tsk.. tsk.. tsk.. mga pobreng vendor gagawing mga tiktik at tatayong testigo sa anumang mga krimen sa lugar na kanilang pinagbebentahan.

Alam ng mga vendor, ganito ang tunay na layunin, “vendor na, bantay pa. Basta’t lagay ka, tuluy-tuloy ang iyong pagbebenta. Kapag tumigil ka sa pagbibi­gay ng lagay, Malilintikan ka!”

Itanong mo man kay Rey Nicolas ng Task Force Quiapo at maging kay Chief Superintendent Romulo Sapitula, at sa iba pang nakakaalam nito, tiyak mahihiya sila kapag nabasa nila ang kolum kong ito.

Balik na naman ang maliligayang araw ng mga kotongero. Magiging madali na ngayon ang koleksyon ng kotong. May sapat na dahilan na sila para itaas ang singil ng kotong.

Nabago na ngayon ang sistema. ID system! Lahat ng mga vendor kinakailangang may ID na pirmado ng bawat Station Commander sa kanilang nasasakupan.

Ika nga, “Cooperate or else evaporate” sa pu­westong inyong pi­nagbebentahan. Ang ibig sabihin, kung gusto mong magbenta, maki­sama ka, kung hindi, layas ka!!!

Narito ang mga su­mu­sunod na hotspots na kung saan lalaganap ang kotong: Quiapo, Blu­mentritt, Avenida, CM Recto at Sta. Cruz area.

Salamat sa “vendor na, bantay pa,” paniba­gong kalbaryo sa mise­rableng buhay ng mga pobreng vendor sa May­nila.

Abangan!

vuukle comment

CHIEF SUPERINTENDENT ROMULO SAPITULA

KAWAWANG MANILA POLICE DISTRICT CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO ROSALES

MANILA POLICE DISTRICT

REY NICOLAS

SHY

STATION COMMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with