Nakakatakot na babala!

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dyaryong HATAW, owned and operated by Mr. Jerry S. Yap, isa sa mga director ng National Press Club porke ika-2nd anniversary nito tomorrow.

Iniimbitahan ni Jerry ang kanyang mga kaibigan sa isang simpleng party with matching tsibugan sa Century Park Seafoods dyan sa Manila at around 6:30 pm.

Daming imbitadong artista si Jerry at mga pa raffle sa kanyang mga loyal employees siyempre with matching bonuses pa.  He-he-he!

Para sa taga -HATAW,  mabuhay kayo !

Ang isyu, nakakapanindig balahibo ang babala ni Philippine Marines Corps Commandant Major General Ben Dolorfino, yesterday, tungkol sa ‘civil war’ na maaring mangyari kapag nag-join ang mga soldier sa kudete para sipain si Prez Gloria Macapagal Arroyo.

Affected daw kasi ang mga soldier tungkol sa kontrobersyal issues regarding sa suhulan sa malakanin este mali Malacañang pala.

Dami kasing pitsa ang palasyo kaya puwede nilang suhulan ang sinuman gusto nilang ayusin para maging bata nila.

Pero ang malakanin este mali Malacañang pala ay pumapalag sa isyu kaya naman nagpaimbestiga na si Prez Gloria sa PAGC para bigyan linaw ang mga bahong sumisingaw ngayon sa madlang people.

Matindi kasi ang bangayan sa pagitan ng ilang galamay ni Prez Gloria. Sabi nga, inggitan !

Ang sinabi ni Dolorfino yesterday ay nakakatakot kung magkakatotoo kaya dapat bilang isa sa pinakamataas na official ng AFP dapat nilang ayusin ang kanilang mga sundalo na huwag sumawsaw sa mga kontrobersyal issues lalo na sa politics.

Sabi nga, maging professional!

Kung magiging totoo ang sinasabing civil war tiyak kawawa ang madlang people.

Ika nga, tayu-tayo rin ang mahihirapan at mag­papatayan. Sana nga, huwag !

Siguro dapat pag-usapan itong mabuti ng pa­munuan ng AFP alamin nila kung dumarami ang grupo ng mga disgruntled soldier at ayusin hangga’t maaga pa.

Lumalakas kasi ang intrigahan sa politika halos lahat ay gustong pumapel para magsiraan.

HIndi ko ipinagtatanggol ang malakanin este Malacanang pala kung sila talaga ang may kasalanan dapat sila ang magpaliwanag ng todo sa madlang people.

Sabi nga, huwag nang painitin ang Pinoy !

Grabe kasi ang politics sa Philippines my Philippines hindi na maawat.

Kaya ang palasyo ay todo tanggi sa isyu ng suhulan na ibinulgar ni Pampanga Governor Ed Panlilio siyempre kasama si Bulacan Governor Mendoza. Bakit nila tinanggap ang pitsa? Naku ha!

Alam ba nila na sabit din sila sa kaso ?

Sana di nila inuwi ang pitsa isinoli dapat nila agad.

Naku ha!

Kambiyo isyu, ang Quezon City Government pala ang pinakamayamang Local Government Unit sa Pinas.

Sabi nga, billion ang pitsa nito !

Magaling kasi ang “AMA” ng kyusi kaya naman ang mga anak nito ay sumusunod sa utos.

Iba talaga si Quezon City Mayor Sonny Belmonte, dahil iba ang estilo nito pagdating sa usapin tax collection.

Mahirap kumbinsihin ang mga taxpayer na magbayad ng tamang buwis kung hindi nila gusto ang nagpapalakad sa langit.

Sabi nga, iba si Belmonte!

‘Talagang magaling si Belmonte” sabi ng kuwagong taxpayer.

‘Hindi bago si Belmonte sa ganitong trabaho’ anang kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Gayahin kaya si Belmonte ng ibang lugar sa Metro - Manila ?” Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Tiyak iyon kamote kung tataas ang kanilang tax collection’

‘Dyan tumpak ka !”

Show comments