^

PSN Opinyon

1% komisyon ni Nieves sa jueteng lords

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

(Part 2)

MASAKIT din pala ang ulo ni Nieves kahit na may suhol 1 percent  siyang komisyon galing sa mga jueteng lords kasi nahihirapan siya sa mga makukulit at bugok na official sa Crame at sa mga kamoteng taga-Region na hindi makuntento sa ibinibigay na intelihensiya nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala mga foolish cops ang nakikinabang ng pitsa galing kay Nieves na koleksyon sa mga jueteng lords kundi pati mga bugok na taga - DILG, Games ang Amusement Board at LGU’s na may talamak na illegal gambling sa kani-kanilang jurisdiction.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Nieves sa tulong ni Noriega ang super doggie nito ang may pakulo ng lahat ng nangyayaring illegal gambling sa Region 1 to 5 kasama ang NCR.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginamit muli si Nieves ng kanyang bagong panginoon para hindi raw magulo ang koleksyon sa katulisan este mali foolish cops pala.

Sabi nga, dating gawi para everybody happy.

Ano kaya ang masasabi ni PNP Chief Director Avelino Razon, tungkol sa jueteng.

Magkaroon kaya ng magandang relasyon si Razon at ang kaparian sa pagdating sa isyu ng jueteng? Nagtatanong lang ang mga kuwago ng ORA MISMO, Sir?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang isa, dalawa o tatlong taon ginamit si Nieves ng mga official ng foolish cops sa Crame kundi up to now ay siya pa rin ang kausap pagdating sa jueteng.

Kung bakit malakas ang loob ni Nieves regarding sa jueteng ang mga taga-Crame ang makakasagot nito.

Napag-alaman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na matunog ang pangalan ni Nieves hindi lang sa mga bugok sa Crame kundi maging sa mga rehiyon na may talamak na sugalan.

Siya kasi ang kolektor na ginagamit pang-national sa pagitan ng mga bugok na official ng kapulisan at jueteng lords.

Lahat ng maaring gawin para maayos at hindi magulo ang dayaan bolahan sa Region 1 to 5 ay si Nieves ang kausap.

Noong mga nakaraang buwan nagulo ang operasyon ng jueteng sa Bicol ng magdala ng sariling bangka si Nieves kaya ang nangyari ipinahinto ito dito.

Sa Batangas, ay dehins daw makaporma si Nieves dahil hindi siya uubra kina Batangas Governor Vilma Santos Recto at Bishop Arguelles.

Masyado kasing bokal ang dalawang ito pagdating sa jueteng dahil ayaw nilang magumon sa masamang bisyo ang kanilang mga constituents sa Batangas.

Si Boy Bata, ang kolektor na ginagamit ni Nieves para hindi siya gaanong mabulilyaso pagdating sa bukulan sa Crame at DILG. Mga lagapot just wait ang read!

Lalong lumala ang jueteng Region 1 up to Region 5 ang lugar lang ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang sarado sa lahat ng uri ng sugalan.

Sa Nueva Ecija, ay bukas na ang isang butas sa isang distrito pa lang bumobola. Ika nga, alalay pa lang kasi nag-aaway ang dalawang bugok na official todits.

Ang jueteng sa Baguio, Benguet, La Trinidad, Abra, Ilocos Norte and Sur, La Union at Pangasinan ay talamak hindi na kayang mapigil pa ng kahit sinong paring simbahan. Bakit? Malaki ang intelihensiya! Sabi nga, P20 million ang isang linggo!

Ang grupo ni Bonito, Boy bata at Mijora, Raffy, Allan at Marasigan ang mga kausap dito. Siyempre si Nieves ang nagbigay ng basbas sa kanila.

Sa Region 2 - Aparri P200, thousand Tuguegarao P500 thousand si Garcia, bata ni Dansor ang nakikipag-usap sa mga kamote todits regarding sa intelihensiya para huwag bulabugin. sa Isabela P4 million kada araw kaya naman tiba-tiba rito si Tony Ong, druglord ang kapitalista at Nora de Leon si Boy bata rin ang kausap. sa  Nueva Viscaya P1.5 million ang engreso, si Tony Ong pa rin ang bangka at Nora de Leon si Boy bata pa rin ang kausap sa intelihensiya  at sa Quirino P400 thousand ang engreso si Boy bata, ang katiwala ulit.

Sana magkaroon ulit ng reshuffle sa pamunuan ng PNP sa mga region dahil hindi kayang patigilin ang jueteng operation todits.

Sa Region 3 - Zambales P1.5 million ang engreso si Peping kamote ang bangka. Tuluy-tuloy pa rin ang jueteng operation dito kahit na nagpa-“praise release” si Zambales Governor Amor Doloso na patitigil niya ang dayaan bolahan sa kanyang territory.

Sa Bataan P1.7 million ang engreso siyempre si Bong ng Lubao ang bangka todits.

Sa Pampanga P12 million ang engreso a day naku Pampanga Governor Ed ‘Among’ Panlilio ano ba ang nangyari dyan si Bong na dati mong kalaban ang siyang nangingibabaw diyan.

Sa Tarlac  P1.7 million everyday sina Allan at Bebot ang bangka. Bakit kaya sila tumakbo sa Baguio? He-he-he!   Sa Bulacan P4.5 million ang engreso si Bong ng Lubao, ang bangka ng jueteng todits.

‘Alam ng madlang people ang nangyayari sa jueteng dahil maraming official ng government ang sinasabing nakapatong dito?” anang kuwagong lagapot.

‘Malaki kasi ang pitsa kaya walang kumikilos dahil everybody is happy’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘Mukhang hindi na ito pinapansin ni GMA, bakit kaya ?’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘Malaki rin kasi ang problema niya sa sarili niyang bakod’

‘Isang salita lang ni Prez Gloria tiyak hinto lahat ang jeuteng’

Sana kamote gawin niya!”

Abangan.

CRAME

JUETENG

NIEVES

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with