^

PSN Opinyon

Si Nieves ang national kolektor ng jueteng para sa Crame

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

ISANG Nieves, ang sinasabing national kolektor ng jueteng para sa mga bugok na official sa Camp Crame.

Ito ngayon ang usap-usapan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kampo mula ng mawala ang panginoon ni Nieves Sabi nga, siya ulit!

Ang hindi alam ng mga bugok na tulisan este mali foolish cops pala dyan sa kampo ay malakas mambukol si Nieves gaya ng kanyang asong si Noriega.

Super bagyo ang mga ito sa dati nilang panginoon kaya nagta­taka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit siya pa rin ang napili para sa koleksyon ng jueteng sa Region 1 to 5 including NCR.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P2.5 million a week ang pangako ni Nieves, bilang  ibibigay  na lingguhan inteli­hensiya sa kanyang bagong panginoon. Paging PNP bossing Sonny Razon, Sir!

Hindi worthy brother si Nieves kahit na ipagtanong ito sa mga kuyang niya sa buong kapulisan. Ika nga, mambubukol kasi!

Si Nieves, for your information General Razon ang tumakot sa Chief Kuwago na may mangyayaring masama kung hindi siya titigilan birahin sa dyaryo siempre kasama ang tuta niyang gago na si Noriega.

Mahirap kausap ang mga ito, General Razon at huwag ka sanang magtitiwala dahil magagamit lamang ang pangalan mo sa kawalanghiyaan.

Sana alamin mo sa mga bata mo General Razon, Sir kung sino si Nieves at ang kanyang tutang si Noriega. Sabi nga, masama ang record nila sa foolish cops lalo na sa mga matitinong pulis.

Dapat sigurong ipasuhod ni Razon ang impormasyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi siya malula sa kagaguhan nina Nieves at Noriega.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Boy bata, ang aso ni Nieves at Noriega ang siyang kolektor pang-nacional. Ibig sabihin from region 1 to 5 hindi pa kasama todits ang National Capital Region at mga sugal lupa. Mga lagapot just wait ang read!

Sa Region 1 - Ilocos Norte sa 7 district umaabot sa P2 million ang engreso everyday, sa Ilocos Sur - sa tatlong distrito P2.5 million, sa La Union pitong distrito ay P1.5 million. Si Bonito, ang kausap sa tatlong provinces. Sa Pangasinan, may anim na distrito ang jueteng operation take note, P8 million ang engreso todits araw-araw.

Sabi nga, grabe ang Pangasinan!

Sina Boy bata at Mijora ang kausap todits ng mga kamoteng official ng lespu at bugok na taga - local government unit.

Sa Cordillera Autonomous Region - Baguio, Abra, Benguet at La Trinidad P3 million ang engreso medyo nagkakagulo todits dahil bumitaw ang bangka nina Raffy at Allan pero si Marasigan ang kausap.

Ika nga, wait and see ang mga kuwago ng ORA MISMO!

Sa Region 2 - Aparri P200 thousand,  Tuguegarao P500 thousand si Garcia, bata ni Dansor ang nakikipag-usap sa mga kamote todits regarding sa intelihensia para huwag bulabugin. sa Isabela P4 million kada araw kaya naman tiba-tiba dito si Tony Ong, druglord ang kapitalista at Nora de Leon si Boy bata rin ang kausap. sa  Nueva Viscaya P1.5 million ang engreso, si Tony Ong pa rin ang bangka at Nora de Leon si Boy bata pa rin ang kausap sa intelihensiya  at sa Quirino P400 thousand ang engreso si Boy bata, ang katiwala ulit.

Paging General Amateo Tolentino? Ano kaya ang masasabi ng kaparian sa dayaan bolahan sa jurisdiction ni Tolentino?

Sa Region 3 - Zambales P1.5 million ang engreso si Peping kamote ang bangka. Tuluy-tuloy pa rin ang jueteng operation dito kahit na nagpa - ‘praise release’ si Zambales Governor Amor Doloso na patitigil niya ang dayaan bolahan sa kanyang territory.

Naku ha!  With matching photo pa ito ng ipadala sa diyaryo kasama ang mga buwaya este mali foolish cops pala. He-he-he!

Sa Bataan P1.7 million ang engreso siyempre si Bong ng Lubao ang kumpare ang bangka todits. Sa Pampanga P12 million ang engreso a day naku Governor Among ano ba ang nangyari dyan si Bong ng Lubao ang kumpare pa rin ang bangka akala ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumigil ang jueteng operation dyan. Sa Nueva Ecija, sarado pa pero P5 million ang engreso todits kung nag-ooperate. Nag-aaway kasi ang mga tekamots todits kaya ganito. Sa Tarlac  P1.7 million everyday sina Allan at Bebot ang bangka. Bakit kaya sila tumakbo sa Baguio ? he-he-he!   Sa Bulacan P4.5 million ang engreso si Bong ng Lubao ang kumpare ang bangka ng jueteng todits.

Alam mo ba ito Region 3 Director Errol Pan? Hindi ka ba kinukulit ng simbahan katoliko tungkol sa jueteng, Sir?

Region 4 - A - Cavite P2 million si Ebeng ang kausap. Laguna P3 million si kuento at Totoy garapata ang management si Ka Loloy ang kausap. Sa Batangas 1st district ay pinahinto ulit kasama siyempre ang Lipa regarding jueteng operation.

Malaki pa naman ang engreso ng grupo ni Don Pepot Alcantara, ang financer siempre kasama si Nora de Leon. P6 million ang nawala.

Ika nga, Lord thank you, bless Bishop Arguelles at Governor Vilma Santos Recto. Amen!

Abangan!

ENGRESO

GENERAL RAZON

MILLION

NORIEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with