^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ang baril kapag dala ng driver

-

MARAMI nang insidente na nagbanggaan ang dalawang sasakyan, nagtalo sa parking, nag­kagitgitan o kahit na natalsikan lamang ng putik dahil sa mabilis na pagmamaneho ay namaril na ang isang driver at napatay ang kanyang katalong drayber din. At sa kabila ng mga ganitong insidente, hindi pa rin nagkakaroon ng leksiyon ang mga drayber. Marami pa rin ang nagdadala ng baril habang nagmamaneho at kaunting deperensiya sa trapiko ay uubusin na ang bala ng kanyang baril sa ulo ng drayber na nakatalo.

Noong nakaraang linggo, dalawang tao ang napatay dahil sa pamamaril sa Pasig City. Ang dahi­lan: Away sa trapiko. Ang mga napatay ay sina Ed­gardo Calisares at Catherine Palmero. Ang suspek ay si Manito Hernandez, isang abogado. Muntik nang magkabanggaan ang minamanehong sasakyan nina Calisares at Hernandez. Bumaba umano si Calisares at kinumpronta si Hernandez. Hindi naman umano kumibo si Hernandez at sa halip ay umarangkada. Sinipa umano ni Calisares ang sasakyan ni Her­nandez. Ayon sa mga nakasaksi, bumaba si Hernan­dez at pinagbabaril si Calisares pati na rin ang kasamang si Palmero.

Naulit na naman ang mga nangyaring patayan dahil sa away trapiko. Sino ang makalilimot sa pagbaril ni Rolito Go sa La Salle student na si Eldon Maguan. Nakakulong pa hanggang ngayon si Go. Sino ang makalilimot sa pagbaril sa isang buntis sa isang memorial park ilang taon na ang nakararaan dahil lamang sa pagtatalo sa parking. Sumuko na ang nakabaril at nakakulong pa rin hanggang nga­yon.

Noong Dec. 25, 2005, isang pulis Quezon City ang nakapatay ng dalawang lalaking nakamotorsiklo makaraang magkasagian sa Gen. Luis St. Nova­liches, Quezon. Pinagbabaril ng pulis ang dalawang lalaki. Nasa kulungan pa rin ang pulis. Ilang taon na ang nakararaan, dalawang alumni ng Philippine Military Academy ang nagbarilan dahil lamang sa agawan sa parking space sa Quezon City.

Marami nang namatay at marami rin naman ang nagdurusa dahil sa pagpatay na ang gamit ay baril. At sa kabila niyan, paulit-ulit pa rin ang insidente.

Ang batas sa pagdadala ng baril sa bansang ito ay masyadong maluwag. Madaling makakuha ng permit. Kahit nga election time ay may nagdadala. Mas maganda kung may total gun ban sa lahat ng oras. Hindi maaaring ilabas ng bahay ang baril. Pero hindi ganito ang nangyayari kaya naman maraming nagbubuwis ng buhay.

CALISARES

CATHERINE PALMERO

ELDON MAGUAN

HERNANDEZ

LA SALLE

LUIS ST. NOVA

MANITO HERNANDEZ

MARAMI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with