^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kumakalam ang mga tiyan ay lalong nadadagdagan

-

KAKATWA ang nangyayari ngayon sa Inam- bayan at sa mamamayan. Habang sinasabi ng pama­halaan na lumundag na sa pinakamataas (7.5 percent) ang ekonomiya, marami pa rin naman ang kuma­kalam ang tiyan at nadadagdagan pa. Habang ang pamahalaan ay pasok nang pasok sa mga pro­yekto na hindi naman gaanong kailangan, marami naman ang dumadaing na nagugutom. Kung ang $329-milyong deal ng gobyerno sa ZTE Corp. ay ginamit para malunasan ang kahirapan baka marami pang bibig ang natulungan. Mabuti na lamang at nabulgar ang kaduda-dudang project at sinuspinde na. Kung hindi nabulatlat, mas lalo pang marami ang magugutom dahil malaking utang ang babayaran sa China — P16-bilyon. Pero mamamayan lang mahihi­rapan at hindi ang mga opisyal na nagbroker sapag­kat tumiba na sa “kikbak”.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) umabot sa 21.5 percent ang nakaranas ng gutom mula July hanggang September 2007. Katumbas nito ay 3.8 milyong pamilya. Nilampasan nito ang nakaranas magutom noong November 2006 (19 percent).

Isang maganda-gandang balita sa survey, ay ang pagbaba naman ng 4 percent ang bilang ng mga nagugutom sa Metro Manila. Mula sa 22 percent na naitala noong nakaraang June ay naging 17 percent na lamang noong nakaraang September.

Maraming nagugutom at karaniwan na lamang ang balitang ito. Sa bansang ang corruption ay tala­mak, asahan nang ang isa sa mabigat na pro­blema ay ang kahirapan ng buhay. Paanong hindi hihirap ang buhay gayong maraming opisyal ng gobyerno na ang inuuna ay pangungurakot at pangingikbak. Pera-pera ang usapan at bihira na ang mga lingkod-bayan na tumutupad sa kanilang tungkulin. Ang babauning pera sa kanilang pagre­retiro ang iniisip ng ilang lingkod-bayan. Kanya-kanyang kurakot na. Bahala na ang susunod na administrasyon na mamroblema sa iiwanang utang. At sino ba ang magbabayad ng utang kundi ang kawawang mamamayan — utang na hindi nga nila alam kung paano naaprubahan at kung para saan at talaga bang kailangan.

Hindi kailanman mababawasan ang mga kuma­kalam ang tiyan sa bansang ito hangga’t may mga pinuno ng bansa na ang isip ay tulad sa “buwa­yang” walang kabusugan.

BAHALA

HABANG

INAM

ISANG

KANYA

METRO MANILA

SHY

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with