ABOT-LANGIT talaga ang galit nitong si Sen. Nene Pimentel sa gob yerno ni President Arroyo at ginagawa niya ang lahat para mapabaho ang imahe ng huli sa sambayanang Pilipino. Kasi nga nitong mga nagdaang araw, ikinakalat ni Pimentel na si GMA nga at si dating ISAFP chief retired Navy Admiral Tirso Danga ay nagkita sa Asian hospital sa Muntinlupa City noong Setyembre 30. Sa ikinakalat na balita ni Pimentel, hinikayat umano ni GMA si Danga na huwag magtestigo sa panibagong ‘Hello Garci’ probe ng Senado ukol sa malawakang pandaraya ng kampo ng una noong 2004 elections. Inamin naman ni Pimentel na hin di niya personal na nasaksihan ang pag-uusap nina GMA at Danga. May itinuturo siya na source niya. Subalit paano naman magkatotoo ang pinag-sasabi ni Pimentel eh hindi naman nangyari ang na turang pagkikita nina GMA at Danga? He-he-he! Guni-guni lang kaya ni Pimentel ang mga ibinubulgar niya? Ano sa tingin n’yo mga suki?
Kung sabagay, alam naman natin mga suki na may pagkakamuhi si Pimentel kay GMA bunga ng pagkatalo ng anak niya at namesake na si Aquilino ‘‘Koko’’ Pimentel noong nakaraang May elections. Mukhang malaki ang nabawas sa kaban ng pamilya kaya’t hindi mapatawad ng matandang Pimentel itong si GMA nga. Maliwanag kasi na kaya nandoon si GMA sa Asian Hospital ng bandang alas-8 ng gabi ay para magpa-check-up at hindi para makipagkita kay Danga. Inabot ng dalawang oras ang check-up ni GMA, anang kausap ko. Pero may halong pang-iinis na sinabi ni Pimen tel na siya rin ay pupunta sa Asian Hospital para kumbinsihin si Danga na maging testigo nga sa ‘‘Hello Garci 2’’ probe ng Senado. He-he-he! Muk hang me tama na itong si Sen. Pimentel ah!
Abot n’yo naman mga suki na itong Hello Garci at ZTE probe ay may malalim na dahilan— ang pagpapainit ng kapwa natin mga Pinoy para umalsa na naman sa gobyerno ni GMA. Pero nakalimutan ’ata ni Pimentel at mga kaalyado niya ang history nila. Sa ngayon kasi hitik ang ekonomiya natin taliwas noong EDSA 1 at 2 na sadsad talaga ang ekonomiya natin kaya’t umalsa ang taumbayan. Tingnan n’yo mga suki, ito bang Hello Garci 2 at ZTE probe ba eh pinapansin ng sambayanang Pilipino? Noong kasagsa-gan ng EDSA 1 at 2, kahit saang sulok ka man ng bansa ang pinag-uusapan ay ang bagsak na estado ng gobyerno. Sa ngayon ba, pinag-uusapan sa mga kanto itong ZTE at Hello Garcia 2 probe? Di ba hindi! Kasi ang mga Pinoy sa ngayon ay abala sa pag-iisip at pag-aaply ng mapapasukang trabaho para suportahan ang kani-kanilang pamilya. Ayaw na nila ng kilos protesta kung saan hindi naman ang mga tulad ni Pimentel at kaalyado niya sa Oposition ang nasusugatan kundi silang mga mahihirap nga.
Abangan!