^

PSN Opinyon

Malas si Abalos!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

PINAG-ARALANG mabuti ni ex-Comelec chairman Benja­main Abalos ang ginawang pagre-resign. Palagay ko hindi lamang kanyang pamilya ang sinangguni niya kundi pati mga taga-Malacañang. Naniniwala akong alam ito ni President Arroyo.

Naipit nang husto si Abalos dahil sa national broadband network deal. Kahit sabit din si DOTC Leandro Mendoza, Trade Sec. Peter Favila at dating NEDA Director General Romulo Neri, mas matindi ang lawak ng pagkakasangkot ni Abalos sa nasabing eskandalo. Kaya ang pag-reresign ni Abalos ang pinagkayarian na ma­ gandang hakbang para mahinto na muna ang kontro­bersiya. Ang pagbibitiw ni Abalos ay paraan din para makaiwas sa impeachment complaint. Inunahan na ni Abalos ang pag-iimpeach sa kanya ng Kongreso sa pamamagitan ng pagbibitiw. Malas si Abalos sapagkat siya ang napuruhan sa eskandalong ito.

Ordinaryo na sa Pilipinas ang corruption na kina­sasangkutan ng mga matataas na opisyal ng pamaha-laan. Nabalita na marami pang susunod na proyekto ang gobyerno na tulad ng CyberEducation project na mag­kakahalaga ng bilyong dolyar na loan mula sa China.

Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng pag-re-resign ni Abalos. May mga pumipilit sa kanya na pangalanan kung sinu-sino ang iba pang maiimplu­wensiyang tao sa deal. Sana’y mag-resign na rin sila na katulad ng ginawa ni Abalos. Abangan!

ABALOS

ABANGAN

BENJA

COMELEC

DIRECTOR GENERAL ROMULO NERI

LEANDRO MENDOZA

PETER FAVILA

PRESIDENT ARROYO

TRADE SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with